Connect with us

Entertainment

Silipin Ang Simpleng Pamumuhay Ng Celebrity Couple Na Si Gwen Zamora At David Semerad Sa Kanilang Modernong Bahay Kubo

Published

on

Sa dami ng pagsubok na hinaharap ng marami sating mga kababayan ngayon hindi maaalis na hanap hanapin natin ang katahimikan at kapayapaan ng ating isip at katawan.




Isa na nga mga marahil na hiling ng ilan sa atin ay ang makauwi sa kanilang mga probinsya kung saan mas simple ang pamumuhay at mas malayo sa polusyon at ingay na dala ng napakataong lugar ng Metro Manila.

Kaya naman para sa celebrity couple na si Kapuso actress Gwen Zamora at PBA player na si David Semerad, napakaswerte nila dahil bago pa man nakapag anunsyo ang gobyerno na mag-lolockdown sa Luzon noong Marso ay nasa mas tahimik na lugar na sila na malayo sa lungsod.




Nakaraan nga ay ibinahagi ni Gwen at David sa kanilang Instagram account ang ilang mga larawan ng kanilang bahay sa Batangas kung san sila naabutan ng lockdown, at kitang kita na sobrang saya ng kanilang pamumuhay kahit pa simple lang ito.

Ang mas nakakahanga pa nga ay ang ang istruktura ng bahay na tinutuluyan na tinatawag nilang “Semerad Cabin,” isang simple ngunit malaking Bahay kubo-inspired na cabin.




Mayroon itong dalawang bedroom, living room, dining room at isang outdoor kitchen kung saan madalas maghanda ng masarap at masustanyang pagkain ang celebrity couple. Sa paligid kasi ng kanilang property ay mayroong malawak na farm na maraming puno at mga pananim.

Sa loob naman ng kanilang Bahay kubo-inspired cabin ay mayroong din namang mga modernong kagamitan gaya ng flat screen TV, refrigerator, mga kagamitan pambata, at marami pang iba.

Syempre kasama nila dito ang kanilang anak na si Baby Cooper, na super cute at healthy lalo pa’t mas presko at sariwa ang hangin na kaniyang nalalanghap araw-araw.

Sa isang post pa nga ni Gwen ay nagpahayag ito ng labis na kagalakan sa buhay na mayroon sila sa ngayon.

“It’s surprising how life can 360 in span of a year! Thank you @djsemerad for choosing me to build a life with, from having a son together, to have made a beautiful city home, and to build our own little sanctuary away from the city.

Our adventures are truly fruitful and simply beautiful. #SemeradCabin.”

error: Content is protected !!