Connect with us

Entertainment

Silipin ang Simple Ngunit Masayang Pamumuhay ng Mag-asawang si Gary Estrada at Bernadette Allyson sa Kanilang Napakalawak na Farm at Mansyon sa San Antonio, Quezon

Published

on

Ang aktor na si Gary Estrada ay nakilala sa industriya ng showbiz noong dekada 80 kung saan ay talagang ipinamalas ang angking husay sa pag-arte sa mga pelikula. Magmula nga noong dekada 80 hanggang taong 2018, ay naging aktibo ang karera ng aktor sa showbiz. Hindi nakapagtataka na sa loob ng mahabang panahon ay malaki-laki na rin ang kanyang naipon at marami na siyang naipundar na bunga ng kanyang pagsisikap.

At isa nga sa ipinagmamalaki ng aktor sa kanyang mga naipundar ay ang napakalawak na farm at napakagandang mansyon na matatagpuan sa San Antonio, Quezon. Matapos nga ang ilang buwang pananatili sa kanilang tahanan sa Cainta dahil sa ipinapatupad na enhanced community quarantine, ay nakauwi na rin ang aktor kasama ang kanyang pamilya sa kanilang tahanan sa San Antonio, Quezon kung saan matatagpuan ang napakalawak niyang farm. Sila nga’y nakauwi rin sa mahal na bayan, matapos ipatupad ang general community quarantine at lumuwag na ang biyahe patungo sa mga probinsya.

Photo credits: Gary Estrada | Instagram




Samantala, ang napakalawak na farm ni Gary ay may matinding pagsubok na pinagdaanan bago pa man makabalik sa kanyang pagmamay-ari. Matatandaan nga na noong 2008 ay nasangkot sa isyu ang farm ni Gary, kung saan ay sinangla umano ng kanyang inang si Agnes Moran ang nasabing property ng aktor. Ngunit, hindi naman pumayag ang aktor na basta na lamang mawala ang property niyang ito.

Kaya naman, ipinaglaban ng aktor ang kanyang karapatan upang muling mapasakamay ang titulo ng lupa. Bagama’t, gumastos ang aktor ng halos ilang milyon sa pag-aasikaso ng kaso, hindi naman sumuko ang aktor upang mapanalo ang kaso.

Photo credits: Gary Estrada | Instagram

Photo credits: Gary Estrada | Instagram  

At ngayon nga, ay masaya na ang aktor at nabawi na niya ang titulo ng farm. Ayon pa sa aktor, balewala na sa kanya ang nangyari noon dahil ang importante ay nabawi na niya ang titulo. Nagsilbing aral na rin ito sa aktor upang maging maingat pagdating sa mga dokumento lalo na sa titulo ng mga property.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Gary Estrada (@garyejercito) on

Sa ginawa ngang ito ni Gary, patunay lamang nito na isa siyang mabuting anak sa kanyang ina. Hindi nakapagtataka na mas lalo pa siyang minamahal ng asawang si Bernadette Allyson at makikita naman sa kanilang masayang pagsasama na talagang mahal na mahal ang isa’t isa kung saan ay pinatatag na ng panahon.




 

View this post on Instagram

 

A post shared by Gary Estrada (@garyejercito) on

Samantala, sa kanilang pag-uwi sa kanilang tahanan sa San Antonio, Quezon, makikita ang kanilang simple ngunit masayang pamumuhay. Ang dalawang napakagandang babaeng anak nga ni Gary, bagama’t, lumaki sa marangyang pamumuhay ay marunong ring kumilos ng kusa pagdating sa mga gawaing bahay.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Gary Estrada (@garyejercito) on

Makikita nga na nagtutulungan ang magkapatid sa paglilinis ng bahay. Patunay lamang nito na lumaking may disiplina at mabubuting anak ang mga anak ni Gary na talaga namang napalaki nila ng maayos ng asawang si Allyson.

error: Content is protected !!