Connect with us

Entertainment

Silipin ang Simple Ngunit Masayang Pagdiriwang ng Ika-36th Birthday ng Aktor na si Carlo Aquino Kasama ang Kanyang Mag-ina

Isa na namang panibagong taon ang nadagdag sa buhay ng sikat na aktor na si Carlo Aquino kamakailan. Ang gwapong aktor na isinilang noong ika-3 ng Setyembre taong 1985, kamakailan nga ay nagdiwang ng kanyang ika-36 taong kaarawan.

Credits: Carlo Aquino | IG

Tila naman napakasaya ng pagdiriwang ng kaarawan ni Carlo ngayong taon, dahil kapiling niya sa kanyang espesyal na araw ang kanyang mapagmahal na partner na si Trina Candaza at napakacute nilang baby girl na si Elona Mithi. At bilang pasasalamat sa panibagong biyaya sa kanyang buhay, ay isang Instagram post ang ibinahagi ni Carlo kung saan ipinasilip niya ang simple ngunit napakasayang selebrasyon ng kanyang kaarawan.

Makikita sa mga larawan na nakaupo si Carlo habang si Baby Enola naman ay nakatayo sa kanyang legs na cute na cute sa suot nitong pink dress. Ang huling larawan naman ay napakagandang pagmasdan dahil napakacute at tila kinikilig pa si Elona habang nakatingin sa kanya ang kanyang ama. Sa harapan naman nila ay isang lamesa kung saan nakapatong ang cake ni Carlo na may nag-uumapaw na berries bilang toppings nito. Mapapansin naman ang isang malaking birthday card na nakalagay sa cake kung saan mababasa ang mensahe na “Happy Birthday Mr. Carlo Aquino”.

Credits: Carlo Aquino | IG

Samantala, sa caption ng kanyang post ay hindi naman nakalimutang pasalamatan ng aktor ang mga taong hindi nakalimot sa kanyang birthday, na kung saan nga ay nagpadala pa ng pagkain para sa kanya.

Hindi naman maikakaila sa mga larawan ang saya ng mukha ng aktor sa kabila ng simpleng selebrasyon ng kanyang kaarawan. Ang makasama nga ang kanyang pamilya na binigyang kulay ni Elona, ay sapat na para maghatid sa kanya ng kaligayahan.

Nakatanggap rin si Carlo ng isang sweet na pagbati mula sa kanyang mapagmahal na partner na si Trina. Ibinahagi ni Trina sa Instagram ang isang throwback photo at captured moments nila together para batiin si Carlo sa kanyang kaarawan.

Credits: Carlo Aquino | IG

Saad nga nito,“Happy birthday to the love of my life and favorite enemy. I love you! P.S: Pwede ka uli mag-ride next week pero kasama ako.”

Credits: Trina Candaza | IG

Inulan rin ng pagbati para sa kanyang kaarawan si Carlo mula sa kanyang mga kaibigan sa showbiz. Espesyal naman talaga ang birthday celebration na ito ni Carlo, dahil ito ang unang beses na nagdiwang siya ng kaarawan kasama ang kanyang panganay na anak. At nitong nakaraang araw ng Setyembre 8, nang ipagdiwang naman ni Elona ang kanyang 1st birthday. Pagkatapos nga ng simpleng selebrasyon ng birthday ni Carlo ay birthday naman ni Elona ang kanilang ipinagdiwang.

Credits: Trina Candaza | IG

Magmula ng dumating si Elona sa buhay ni Carlo ay talaga namang napakalaki ng ipinagbago ng kanyang buhay. Magmula sa pagiging isang busy sa career, ngayon nga ay pinatunayan ni Carlo ang kanyang pagiging hands on daddy sa kanyang napakacute na baby girl.

error: Content is protected !!