Connect with us

Entertainment

Silipin ang Simple Ngunit Masayang Buhay Ngayon ng Dating Seksi Aktres na si Diana Zubiri

Marahil ay isa ka rin sa nabighani at napahanga sa angking ganda at alindog ng sexy star na si Diana Zubiri. Hindi naman talaga maikakaila sa dami ng kanyang mga tagahanga, na isa siya sa kilalang sexy star noong panahon ng kanyang kasikatan.




Photo credits: Diana Zubiri | IG

Si Rose Marie Joy Garcia sa totoong buhay o Diana Zubiri ay nakilala sa kanyang mga sexy roles sa Sieko Films noong 2002. Dahil nga sa kanyang taglay na ganda at kaseksihan, ay napabilang rin siya sa FHM. Ngunit, hindi naman nagtagal matapos ang pagpapa-sexy, ay pinasok na niya ang pag-arte sa telebisyon sa drama series at fantasy series.

Photo credits: Diana Zubiri | IG

Mas lalong nakilala ang pangalan ni Diana, nang mapabilang siya sa fantasy series ng GMA na Encantadia bilang Hara Dayana noong 2005.

Photo credits: Diana Zubiri | IG

Hindi naman maikakaila na talagang marami ang sumubaybay sa buhay ng aktres. Ngayon nga na wala na siya sa larangan ng pag-arte ay marami parin ang nakaabang sa mga kaganapan sa kanyang buhay. At ngayon nga, ay isa na siyang mabuting maybahay at hands on mom sa kanyang mga anak.

Photo credits: Diana Zubiri | IG

Lingid naman sa kaalaman ng marami, ay maagang nabyuda sa kanyang dating asawang si Alex Lopez kung saan ay tumagal lamang ang kanilang pagsasama ng dalawang taon. Ang kanilang pagsasama naman ay biniyayaan ng isang anak na lalaki, siya si Joaquin Achilles Garcia.

Photo credits: Diana Zubiri | IG




Photo credits: Diana Zubiri | IG

Muli na namang umibig si Diana matapos ang limang taon, sa katauhan ng isang Philippine-Australian na si Andie Smith. At sila nga ay ikinasal noong May 10, 2015, matapos magkakakilala sa isang blind date at ma-engaged sa Tokyo, Japan.

Photo credits: Diana Zubiri | IG

Samantala, ang kanilang pagmamahalan naman ay biniyayaan ng dalawang anak. Ang panganay na anak nilang si Aliyah Rose Smith ay isinilang ni Diana noong August 14, 2016. Ang pangalawa naman na si Amira Jade Smith ay noong nakaraang taon lamang isinilang ni Diana, sa petsang September 14, 2020 sa Makati Medical Center. Hindi naman maikakaila na sadyang napakaganda ng kanilang mga anak. Wala ngang duda na namana nila ang magandang katangian sa kanilang mga magulang.

Photo credits: Diana Zubiri | IG

Pagbabahagi naman ni Diana, ay mas minabuti niyang maging pribado ang pagbubuntis at panganganak sa pangatlo niyang anak, dahil sa maselan niyang pagbubuntis.

Bagama’t, hindi nga maging madali ang pinagdaanan ni Diana sa mga pagsubok sa kanyang buhay noon, ay patuloy naman ang kanyang pagiging positibo upang harapin ang anumang hamon sa buhay. At ngayon nga, ay nasumpungan ni Diana ang isang masayang pamilya na puno ng pagmamahal. Isa nga siya ngayong mapagmahal na asawa at hands on mommy sa kanyang tatlong anak.

error: Content is protected !!