Connect with us

Entertainment

Matapos Lisanin ang Showbiz Ito na ang Simple Ngunit Masayang Buhay ngayon ng Dating Aktres na si Roxanne Guinoo

Ang dating aktres na si Roxanne Guinoo ay unang nakilala ng marami matapos maging bahagi ng ABS-CBN talent show na “Star Circle Teen Quest” noong 2004. Dahil nga sa ipinamalas na talento ay napabilang siya sa “Magic Circle of 5”, kung saan siya ang itinanghal na pang-2nd place nang matapos ang kompetisyon. At siya nga ang isa sa pinakabagong miyembro ng ABS-CBN Star Magic ng nasabing taon.

Credits: Roxanne Guinoo | Instagram

Matapos nga magwagi, ay nagsimula nang umarangkada ang karera ni Roxanne bilang isang mahusay na aktres sa showbiz. Masasabi naman na ang big break sa karera ng aktres ay dumating noong 2007, nang gumanap sa drama series na “Sineserye Presents: Natutulog ba ang Diyos”. Ilan naman sa kanyang mga proyekto ay naging leading man niya ang mahuhusay na aktor na sina Jake Cuenca at Joross Gamboa.

Credits: Roxanne Guinoo | Instagram

Maliban nga rito ay kabila’t kanan rin ang kanyang mga proyekto. Ilan sa mga pelikulang kanyang pinagbidahan ay Now That I Have You, Can This Be Love, at D’ Anothers.

Samantala, kasabay ng namamayagpag na karera ni Roxanne, ay ang kanyang makulay na love life. Ngunit pagsapit nang taong 2011 nga, ay hindi na gaanong aktibo sa showbiz si Roxanne matapos maikasal sa kanyang Filipino-Chinese husband na si Angelo Elton Yap, na isang businessman at kilalang pinsan ni Tim Yap.

Nang maikasal ang dalawa, ay naging usapan sila ng publiko dahil nga parehong bata pa kung saan ay 24 taong gulang pa lang noon si Roxanne at 21 naman si Angelo. Dahil nga dito, ay kumalat rin ang usap-usapan na buntis na umano si Roxanne.

Credits: Roxanne Guinoo | Instagram

Matapos nga ang ilang taong hindi nasisilayan sa telebisyon ang napakagandang aktres na si Roxanne matapos lisanin ang showbiz, ngayon nga ay simple at tahimik siyang namumuhay kasama ang kanyang pamilya.

Sa ngayon ay may tatlong anak na sina Roxanne at Angelo, sina Sophia, Reine at Reilley. Simple man ang buhay ngayon ng dating aktres, at wala sa harap ng camera, ay hindi naman maitatangi na masayang-masaya siya sa napiling landas, bilang isang mapagmahal na asawa at ina sa kanyang mga anak.

Credits: Roxanne Guinoo | Instagram

Makikita naman na talagang masaya at kontento na si Roxanne sa buhay niya ngayon.

Patunay nga rito ang masayang larawan ng kanyang pamilya na ibinabahagi niya sa Instagram. Ang desisyon niyang piliin ang pamilya kaysa sa karera, ay nagbigay sa kanya ng labis na kaligayahan.

error: Content is protected !!