Connect with us

Entertainment

Silipin Ang Simple Ngunit Malinis At Magandang Apartment Ng Aktres Na Si Janine Gutierrez

Ang mga sikat na artista sa showbiz ay inspirasyon rin ang hatid sa ating mga tagahanga. Hindi lamang nga sa kanilang taglay na ganda at talento tayo humahanga, kundi pati na rin sa kanilang kasipagan at pagsusumikap para matupad ang kanilang mga pangarap.

Photo credits to the owner

At isa nga sa talagang maipagmamalaking bunga ng pagsisikap ng mga sikat na artista ay ang magaganda at naglalakihan nilang bahay. Sa tuwing masisilayan nga natin ang magagandang bahay ng ating mga idolo ay naiinspire tayo na magsumikap rin sa buhay upang maabot ang ating minimithing mga pangarap.

Photo credits to the owner

May ilan rin namang mga artista na kahit simple lamang ang kanilang munting tirahan ay ipinagmamalaki rin nila ito dahil ito rin ay mula sa kanilang pinaghirapan. Katulad na lamang nga ng napakagandang aktres na si Janin Gutierrez na proud na ipinasilip sa kanyang mga fans ang kanyang simple ngunit napakagandang apartment.

Photo credits to the owner

Maliban sa pagiging mahusay na aktres, ay pinasok na rin ni Janine ang mundo ng vlogging. Sa kanyang sariling YouTube channel, ay ibinabahagi niya ang masasayang kaganapan sa buhay upang magbigay ng updates sa kanyang mga tagahanga. At kamakailan lamang nga, ay ibinahagi ni Janine sa kanyang latest vlog ang kanyang pasilip sa simple ngunit maganda niyang apartment.

Photo credits to the owner

Pagpasok sa loob ng kanyang apartment, ay agaw pansin ang kakaibang disenyo ng pader kung saan nga ay hahangaan ang taglay nitong ganda na hatid ng iba’t ibang litrato na paborito ng aktres. Pagdating naman sa kusina ng munting apartment ng aktres, na bagama’t simple lamang ito ay makikitang kompleto naman ito sa mga kagamitan. Kapansin-pansin naman ang disenyo ng kanyang refrigerator na napakacute tingnan na bumagay naman sa disenyo ng maliit niyang kusina.

Photo credits to the owner

Pagdating naman sa mga kasangkapan na makikita sa loob ng apartment ni Janine ay makikita na maganda at malinis itong tingnan. Ibinunyag naman ng aktres na hindi siya mahilig bumili ng gamit sa mga naglalakihang malls. Dahil mas nais nga niyang magpagawa sa mga local shops o kaya naman ay sa mga magagaling na karpintero sa Metro Manila. Mapapansin rin ang ilang paintings na nagdagdag ng ganda sa apartment ni Janine, at ang mga ito ay gawa naman ng mga local artists.

Photo credits to the owner

Bagama’t, simple at maliit ang apartment na tinutuluyan ni Janine ay hindi naman maikakaila na komportable siyang manirahan dito. Na kahit nga simple, ay maganda at malinis naman ang kanyang apartment at masaya naman siya sa tuwing umuuwi dito. Napakasimple naman talaga ng pamumuhay ni Janine sa kanyang apartment, dahilan nga para mas lalo siyang hangaan ng kanyang mga tagasuporta.

error: Content is protected !!