Connect with us

Entertainment

Silipin ang Simple at Tahimik na Buhay Ngayon ng Dating Teen Star Na si Aiza Marquez sa New York Bilang Isang Single Parent

Kung isa kang batang 90’s ay siguradong hindi mawawala sa iyong alaala ang dating teen star na si Aiza Marquez na sumikat hanggang taong 1999 sa industriya ng showbiz.

Nagsimula sa kanyang karera sa showbiz sa edad na 12 taong gulang bilang isang commercial model hanggang sa madiskubre siya ng VIVA Artists Agency matapos makita ang kanyang potensyal at kunin bilang talent.

Agad namang umarangkada ang karera ni Aiza at napabilang sa ilang mga proyekto. Nakasama niya ang ilan sa mga sikat na artista noong dekada 90 tulad na lamang nina Anne Curtis, Vanna, Chubi, JR at Yves sa third batch ng Teen Oriented Show na TGIS (Thank God It’s Sabado) na umere sa 8telebisyon mula 1995 hanggang 1999. Ang kanilang magandang samahan ay talagang tumatak sa puso ng mga manonood.

Photo credits: google.com

Samantala, maliban sa husay ni Aiza sa pag-arte, at taglay rin niya ang napakagandang mukha. Walang duda kung bakit naugnay sa kanya noon singer/theater actor na si Gian Magdangal at ang dating Streetboys member na si Danilo Barrios.

Photo credits: google.com

Hindi naman nagtagal, ay natagpuan ni Aiza ang lalaking nagpatibok ng kanyang puso. At ang kanyang wagas na pag-ibig sa taong ito, ang dahilan kung bakit nagpasyang iwan ni Aiza ang tinatamasang kasikatan at tuluyang lisanin ang mundo ng showbiz. Matapos lisanin ang showbiz ay nagpasyang manirahan ni Aiza sa Amerika kasama ang kanyang dating asawa na si Chino Banas.

Photo credits: google.com

Ang kanilang pagmamahalan nang tumagal ay nauwi sa pag-iisang dibdib noong 2013. Ang kanilang pagsasama ay biniyayaan ng dawang anak, sina Brooklyn Kate at Bryce Matthew. Noong una ay masaya ang pamilya ni Aiza, ngunit ang inakala niyang tunay at wagas na pagmamahalan nila ng kanyang dating asawa ay natuldukan. Dahil dito, ay mag-isa na ngang tinaguyod ni Aiza ang kanyang dalawang anak at ngayon nga, ay namumuhay siyang single parent kasama ang mga anak.

Photo credits: google.com

Sa kabila ng kanilang paghihiwalay, ay inamin naman ni Aiza na hindi siya gaanong nahirapan sa pagpapalaki at pagtataguyod sa kanyang dalawang anak nang mag-isa dahil binibisita ng kanyang mga anak ang kanilang ama sa bahay nito. Ayon naman sa ilang ulat, ay hindi rin nalalayo ang karerang tinatahak ni Aiza sa entertainment industry ngayon dahil isa siyang concert producer.

Photo credits: google.com

Samantala, sa isang interview sa kanya ni Paolo Contis sa Just In, ay inamin ni Aiza na malabo na siyang makabalik ng showbiz sa Pinas ng full time dahil nga mas prayoridad niyang maalagaan ang kanyang mga anak sa Amerika. Ngunit, bukas naman siya kung maiimbitahan sa mga guesting at kung may mga reunion ay maaari naman siyang dumalo at umuwi ng Pilipinas.

“It’s not gonna be full t𝔦me anymore, especially when you have k𝔦ds and if ever mangyari man yan, I don’t think I will stay in the Philippines tapos yung mga anak ko nandito (New York). Medyo malaking adjustment and maraming dapat i-cons𝔦der espec𝔦ally now when you have k𝔦ds.”

Photo credits: google.com

Isa namang masayang reunion ang naganap noong 2020 sa mga kasamahan ni Aiza sa showbiz. Sa isang virtual reunion sa Zoom ay nagkamustahan ang magkakaibigan at dati niyang kagrupo na sina Anne Curtis, Vanna, Chubi, JR at Yves.

Marami namang netizens ang hindi nakalimutan si Aiza, at tila namiss ang pag-arte nito sa telebisyon. Kahit nga matagal nang hindi nasisilayan sa telebisyon, ay marami pa rin ang nakakakilala sa kanya.

error: Content is protected !!