Connect with us

Entertainment

Silipin ang Simple at Tahimik na Buhay Ngayon ng Dating Komedyante na si Mura

Tumatak sa puso ng mga manonood ang tambalan ng parehong “little people” na sina Mahal at Mura. Sila ay talagang kinagiliwan ng publiko dahil sa kanilang nakakaaliw na samahan, at tandem na talagang patok sa masa na binansagan noon na “Si Mahal at si Mura”.

Sa paglipas ng panahon, ay patuloy paring napapanood sa telebisyon at pelikula si Mahal na kilala rin sa kanyang tunay na pangalan bilang si Noemi Tesorero. Samantalang si Mura na kilala naman bilang si Allan Padua, ay hindi na nasisilayan ng publiko mapa-telebisyon man o pelikula.

Photo credits: google.com

Sa tagal ng kanilang samahan ay talagang naging malapit rin sila sa isa’t isa. Ngunit, ang pinagtambal ng showbiz at ng kanilang mga tagahanga ay hindi parin nagkatuluyan sa huli. Ito nga ay dahil may boyfriend noon si Mahal habang namamayagpag ang magandang tambalan on screen nila ni Mura.

Photo credits: google.com

Matatandaan naman na sumikat sila matapos magsama sa noon time show noong 2003 kung saan ay nagbihis babae si Mahal para magmukhang kambal ni Mura. At dahil nga pareho lang ang kanilang taas, at hindi rin naman nalalayo ang pagkakahawig ng kanilang mga mukha,ay pumatok ito sa masa.

Photo credits: google.com

Matapos ang ilang taong matagumpay na karera ni Mura sa industriya ng showbiz, ay marami ang nagulat nang lisanin nito ang larangan. Ito nga ay dahil sa pinsalang kanyang natamo mula sa isang aksidente, dahilan upang magpasya siyang umalis ng showbiz at umuwi muna sa kanilang probinsiya sa Albay.

Photo credits: google.com

At ngayon nga, ay masayang namumuhay ng simple at tahimik si Mura sa kanilang probinsiya sa Albay kapiling ang kanyang pamilya. Abala ngayon si Mura sa kanyang hanapbuhay na pagtitinda ng uling at nagtatanim rin siya ngayon ng gulay.

Samantala, sa kabila ng nangyaring aksidente kay Mura, ay malaking parte ng buhay niya ang showbiz. Pag-amin nga ng komedyante ay hindi parin niya nakakalimutan ang showbiz. At kung mabibigyan nga ng pagkakataon, ay nais niyang bumalik sa minahal na larangan upang makatulong sa kanyang pamilya. Ngunit, hindi tulad ng dati ay hindi na masyadong makakatanggap ng maraming proyekto.

Photo credits: google.com

Nagmula sa mahirap na pamilya si Mura kung saan ay 13 silang magkakapatid. Dahil nga sa hiral ng buhay, at pagnanais na makatulong sa pamilya ay pumasok siya bilang ball juggler sa circus sa loob ng limang taon at naging back-up dancer. Ito nga ang trabaho ni Mura noon bago siya madiskubre ng isang talent manager at kinuha siya para sa isang show.

Wala man sa industriya ng showbiz ngayon, ay masaya si Mura na minsan sa buhay niya ay nakapagbigay saya siya mga manonood at kanyang mga tagahanga. At nagkaroon rin siya ng pagkakataon na ipamalas ang kanyang talento sa publiko na talaga namang hinangaan ng marami.

Photo credits: google.com

Marami namang netizens ang hindi nakakalimutan ang iniwang saya sa telebisyon ni Mura. At nag-iwan pa ang mga ito ng komento:

Mal𝔦it mn o malak𝔦 tayo ay pantay pantay sa mundo.. wag magpaapekto sa mga paligid ang importante ang ating pamilya na anjan palagi sa atin.”

@Sumpin Ka: “Happy for you Mura you’re back sana tuloy tuloy na yang karera mo ulit sa showbiz.”

Sabi naman ni @Acmad Doma: “Napatunayan mo M𝔲ra na kaya mo numalik sa showbiz at higitan ang nakaraan mo. Good Job Mura bata pa ko pinapanood na kita.”

@Sittie Silayan: “Maliit kaman tingnan pero hindi maliit ang mga nararating mo at kahit maliit ka kayang kinaya mong gampanan ang responsibilidad ng bilang ama kaya saludo ako sau kasi hindi hadlang ang liit para gawen at akyatin ang mga pangarap mo at para mabigyan ng mgandang buhay ang mga anak mo pag palain nawa ni Panginoon at mas mabigyan pa ng magandang buhay ang mga pamilya ninyo.”

error: Content is protected !!