Connect with us

Entertainment

Silipin Ang Simple at Tahimik na Buhay ng Dating Singer na si Roselle Nava na Nagpasikat ng Kantang “Bakit Nga Ba Mahal Kita”

Kamakailan lamang nang mag-viral ang livestream ni Gigi de Lana dahil sa pagkanta niya ng sikat na awitin ni Roselle Nava na “Bakit Nga Ba Mahal Kita” at iba pang kanta ng sikat na singer tulad ng Maniniwala Ba Ako, Dahil Mahal na Mahal Kita, Laging Ika Parin, at Huwag Ka Nang Babalik.

Hindi naman talaga maikakaila na ang husay at talento ni Roselle sa pag-awit ay talaga namang kahanga-hanga at damang-dama ang damdaming nais ipabatid ng kanyang awitin. Si Roselle ay sumikat noong dekada 90 kung saan ay naging in-demand diva at binansagan pang Philippine Pop Queen/Sentimental Diva noon.

Credit: Roselle Nava | Instagram

Sa kasagsagan ng matagumpay niyang karera noon ay napabilang siya sa youth oriented show na Ang TV magmula taong 1992 hanggang 1997. Ilan naman sa mga sikat na artista na kanyang nakasabayan sa pagmamayagpag ng kanyang karera ay sina Jolina Magdangal, Rica Paralejo, Victor Nero, Angelu de Leon, Claudine Barretto at Antoinette Taus.

Ipinamalas rin ni Roselle ang kanyang husay sa pag-awit sa telebisyon sa ASAP mula 1995 hanggang 2004 kung saan ay talagang hinangaan ng marami ang kanyang talento.

At talaga namang ang kanyang natatanging talento sa pag-awit ay kanyang pinatunayan matapos ngang maging number one sa radyo at nanatili ng walong buwan sa radio charts ang kanyang signature hit na “Bakit Nga Ba Mahal Kita”.

Credit: Roselle Nava | Instagram

Ngunit, nasaan na kaya ngayon ang sikat na singer na naghatid ng madamdaming awitin sa kanyang mga tagahanga?

Ngayon nga ay masaya nang namumuhay si Roselle kasama ang kanyang pamilya. Ikinasal si Roselle sa kanyang asawa na si Allen Ford Lee Tan na kanyang dating business partner noong January 18, 2010 sa Manila Cathedral. Ang kanilang matamis na pagmamahalan ay nagsimula matapos magkakilala dahil sa kanilang mga kaibigan. Ngayon nga, ay masaya at makulay ang kanilang buhay kapiling ang kanilang dalawang anak na lalaki na sina Rafa at Ram.

Matapos namang lisanin ang mundo ng showbiz, ay pinasok naman ni Roselle ang mundo ng pulitika kung saan ay tumakbo siya bilang Councilor sa Parañaque noong taong 2016, at naluklok naman sa pwesto matapos magwagi sa eleskyon.

Credit: Roselle Nava | Instagram

Samantala, matagal na ring hindi napapanood si Roselle sa telebisyon, kaya naman nang masilayan siya sa Masked Singer Pilipinas bilang Adarna, na kahit hindi nanalo ay marami parin ang humanga at nakamiss sa kanyang magandang tinig. Kwento naman ni Roselle, ay tinanggap niyang gawin ang Masked Singer Pilipinas dahil madalas umanong mapanood ng kanyang pamilya ang American version nito.

Nagdiwang ng kanyang ika-43 taong kaarawan si Roselle noong nakaraang buwan ng Marso, at kapansin-pansin naman na tila hindi nagbago ang kanyang hitsura at nananatiling bata ang kanyang magandang mukha.

Credit: Roselle Nava | Instagram

“I just turned another year older, today I turned 45. I have so many things to be thankful for! I have been really blessed and for that my heart is full and filled with appreciation.”

“I hope that we can overcome all the hardships and challenges we are facing now… keep safe everyone and always remember to make every moment count..especially with those people who truly matter the most! familyisLOVE Special thanks to my hubby, Allen and the rest of my family. Thanks to those who remembered and sent me warm greetings.”

error: Content is protected !!