Connect with us

Stories

Silipin ang Simple at Masayang Pamumuhay Ngayon ng Binansagang Pantasya ng Bayan na si Joyce Jimenez

Kung batang ’90s ka, tiyak na kilalang-kilala mo ang napakaganda at napakaseksing aktres na si Joyce Jimenez. Nakilala ang aktres sa kanyang pagganap sa mga sexy role, na talaga namang hahangaan ang kanyang husay sa pag-arte. Kahanga-hanga rin ang kanyang napakagandang mukha at napakaseksing katawan, dahilan upang bansagan siyang “Pantasya ng Bayan”.




Ngunit, nasaan na kaya ngayon ang orihinal na “Pantasya ng Bayan”?

Hindi maikakaila na marami ang pinahanga ng sexy star na si Joyce Jimenez sa kanyang mga proyekto dahil sa kanyang husay sa pagganap at taglay na kaseksihan. Ilan nga sa kanyang mga naging proyekto ay ang “Warat” kung saan ay nakasama niya si Jomari Yllana.

Nang subukan naman ni Joyce ang kanyang talento sa romantic comedy, ay nakasama niya sa pelikula ang aktor na si Deither Ocampo sa ‘Ano Bang Meron Ka?’ at si Aga Muhlach naman sa pelikulang ‘Narinig Mo Na Ba Ang L8test?’ Nakasama rin ni Joyce sa pelikulang “Pinay Pie” ang aktres na si Assunta de Rossi at Comedy Queen na si AiAi Delas Alas.

Hindi lamang sa husay sa pag-arte ang ipinamalas ni Joyce, kundi pati na rin ang kanyang kahanga-hangang kaseksihan. At noong dekada 90, ay siya ang pinaka-in demand na cover girl ng men’s magazine. Huling naging cover ng FHM magazine si Joyce noong 2007, na kung saan ay talaga namang napakaseksi.

Samantala, matapos namang lisanin ang showbiz, ay napangasawa ng sexy star ang isang Fil-Am na si Paul Ely Egbalic na miyembro ng United States Air Force, at ang dalawa ay ikinasal noong Agosto 2008.

Ang kanilang masayang pagsasama naman ay biniyayaan ng tatlong anak, sina Jorja Ely, Jaysen Elise, at Julian Elysson. Ang panganay na si Jorja Ely, ay sampung taong gulang. Samantalang ang pangalawang anak na si Jaysen Elise ay siyam na taong gulang. At ang bunsong si Julian Elysson na nag-iisang lalaking anak ng mag-asawa, ngayon ay anim na taong gulang na.

Dahil nga, ang dalawa sa mga anak ni Joyce na sina Jaysen at Julian ay may autism, isa sa adbokasiya ng kanilang pamilya ay ang magbigay kaalaman patungkol rito.

Samantala, kahit nga may tatlong anak na si Joyce, ay hindi maikakaila na napanatili ng sexy star ang taglay na kaseksihan. Makikita nga na fit na fit at sexy pa rin ang katawan nito.




Huli namang nakasama ng sexy star ang ilan sa kanyang mga kaibigan sa showbiz nang dumalo siya sa kasal ng kanyang kaibigang si Ruffa Mae Quinto noong 2016.

Sa ngayon ay masayang naninirahan ang pamilya ni Joyce sa Southern California, kung saan siya ipinanganak at lumaki.

At ngayon nga, ay masaya siya sa kanyang buhay bilang isang mabuting asawa at hands-on Mommy sa kanyang mga anak.

error: Content is protected !!