Connect with us

Entertainment

Silipin ang “Relaxing and Beautiful” Garden ng Dating Aktres at Travel Blogger na si Paula Peralejo sa Kanilang Tahanan

Matapos ipasilip ng dating aktres na si Paula Peralejo ang kanilang napakagandang contemporary Filipiniana home sa kanyang mga tagahanga, ay nabigyan rin ng pagkakataong masilayan ang kanyang napakaganda at nakakarelaks na garden sa kanilang tahanan.

Credits: Paula Peralejo | IG

Si Paula ay dating aktres na minsang ipinamalas ang kanyang talento sa pag-arte. Hindi nagtagal ay nagpasya si Paula na lisanin ang showbiz industry at ngayon nga ay masaya na siya sa kanyang buhay bilang fulltime-traveler, travel blogger at nagmamay-ari na rin ng isang travel agency. Natagpuan ni Paula ang kanyang hinahanap na kaligayahan sa kanyang masayang adventure, kasama ang magagandang tanawin na kanyang napupuntahan.

Credits: Real Living

Dahil nga sa hilig ni Paula sa magagandang tanawin, ay tila nais rin niyang masilayan ang ganda na hatid ng kalikasan kahit nasa kanilang tahanan lamang siya. Kaya naman, nagpasadya ang dating aktres ng isang napakaganda at relaxing na garden na kalapit lamang ng kanilang 450 sqm na bahay kung saan kasama niya ang kanyang asawang si Charlie at kanilang anak na si Pablo.

Makikita rito ang isang maaliwalas na patio na nakaharap sa garden at napakasarap naman talagang magpahinga dito lalo na nga’t makikita rito ang makukulay na bulaklak na naghahatid ng magandang tanawin sa garden. Agaw pansin rin sa kanyang garden ang iba’t ibang furniture na kung saan ay kanilang ginawa gamit ang kanilang pagiging malikhain. Katulad ng mga lumang furniture na nagmistulang bago matapos irecycle at pagandahin. Ilan sa mga ito ang gardening set, rocking chair at folding lounge na pawang mga kukay

Credits: Real Living

Talaga namang napaka-creative ng mag-asawang Paula at Charlie kung saan nga nagawa nilang mas lalong pagandahin ang kanilang garden sa gamit ang ideya sa pagrerecycle. Para mas magamit naman ang espasyo ng kanilang garden, ay makikitang ginamit rin ng mag-asawa ang pader para pagsabitan ng mga puting paso na may mga nakatanim na halaman.

Credits: Real Living

Makikita rin sa isang bahagi ng garden na ang mga nakokolektang souvenir ni Paula mula sa mga lugar na kanyang napupuntahan ay ginawa niyang dekorasyon katulad na lamang ng mga makukulay na beach signs. Sa isang pader rin makikita ang mga rosemary na nakatanim sa pasong gawa sa recycled na bote ng softdrinks.

Credits: Real Living

Nagbigay naman ng payo si Paula sa mga nais ring pagandahin ang kapaligiran at maging malikhain sa paggamit ng mga recycled materials. Napakagandang ideya naman talaga ito dahil bukod sa napaganda ang paligid, ay makakatipid, at malaki rin ang naitutulong sa kalikasan.

Credits: Real Living

“Be creative in using something. Don’t limit yourself to using it solely for its original use. You can use old shoes or bags as planters, milk bottles as vases, vegetable oil containers as water sprinklers, bedsheets as table covers.”

error: Content is protected !!