Connect with us

Entertainment

Silipin ang Puno ng Kilig na Prenup Photoshoot nina Sam Pinto at Anthony Semerad sa Napakagandang Beach ng Batangas

Matapos ma-engaged noong Agosto 2019 nang magbakasyon sa Australia, ay tuloy na tuloy na nga ang pag-iisang dibdib ng celebrity couple na sina Sam Pinto at Anthony Semerad. At bilang paghahanda sa kanilang nalalapit na pag-iisang dibdib, ay nagkaroon ng prenup photoshoot ang celebrity couple na kinunan sa napakagandang beach.

Nito lamang ika-9 ng Pebrero ay ipinasilip nina Sam Pinto at Anthony Semerad sa Instagram ang kanilang sweet photos sa kanilang prenup photoshoot.




Saad nga ni Sam sa caption ng kanyang post, ay matagal na siyang hindi nakakapag-photo shoot kung kaya’t siya’y naninibago at kinakabahan siya sa muling pagharap sa camera. Ibinahagi rin ng sexy star na siya lamang ang nag-ayos ng kanyang sarili. Pinasalamatan rin ni Sam sa kanyang post ang bumuo ng team para maging maayos at maging komportable sila sa photoshoot.

“Haven’t done a shoot in ages. I felt so rusty and nervous being in front of the camera again. Plus, I did my hair and make up! Lol. Super thanks to this awesome team who made @anthonysemerad and I feel so comfortable.”

Dagdag pa nga si Sam, ay ito ang unang pagkakataong nagshoot sila nang magkasama. Sa kabila nga nito, ay labis ang kasiyahan ng modelo matapos makita ang napakagandang resulta ng kanilang photoshoot.

“This is actually our first time to do a professional shoot together! Hehe So happy how this turned out to be — a super chill, easy, beautiful shoot!”

Ibinunyag naman ni Sam sa kanyang post ang itinakdang araw ng kanilang kasal. Ang kanilang pag-iisang dibdib ay maisasakatuparan sa darating na Marso 8.

Saad nga ng sexy star, “Countdown to 03.08.21”




Makikita nga sa mga larawan na talagang napakaganda ng kanilang prenup photoshoot. Ang kaseksihan ni Sam ay masisilayan sa bawat larawan habang suot ang white switsuit na mas lalong nagpalutang ng kanyang magandang hubog ng katawan. Makikita rin ang matipunong katawan ni Anthony, habang walang suot na pang-itaas na damit at tanging white short ang suot.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sam Pinto (@sampinto_)

Samantala, ibinahagi rin ni Anthony sa kanyang Instagram ang larawan nila ng kanyang fiancee. Ang naturang post ay nilakipan naman ng simpleng caption na:

“Better together.”

Ang napakagandang beach photoshoot nina Sam at Anthony ay isinakatuparan ng mahusay na photographer na si Pat Dy, kasama ang team nito. Nagbahagi rin si Pat sa kanyang Instagram ng ilang larawan na kuha sa prenup up photoshoot. At base sa caption ng post, ay ginanap ang nasabing prenup photoshoot sa isang beach sa Batangas.

“Just a few hours’ drive from manila, we found this gem of a place in Batangas for Sam and Anthony’s engagement. The perfect theme for the both of them! And hopefully it inspires everyone to be more active and eat healthier just like these two. It was a warm and beautiful afternoon. Our shoot was so chill Sam even did her own makeup and hair. As for me, I went home and started doing sit-ups and skipped my brownie nut dessert. Thank you, Anthony, for that!”

error: Content is protected !!