Connect with us

Entertainment

Silipin ang Panandalian Ngunit Masayang Bakasyon ni Nadine Lustre sa Batangas Para sa Pagdiriwang ng kanyang 27th Birthday

Nalalapit nang sumapit ang kaarawan ng aktres na si Nadine Lustre sa darating na October 31, taong kasalukuyan. Ngunit, bago pa man sumapit ang mismong araw ng kanyang kapanganakan, ay nagkaroon ng masaya at panandaliang bakasyon ang aktres kasama ang kanyang mga kaibigan.

Sa darating na October 31, ay 27 taong gulang na si Nadine. At sa nalalapit niyang kaarawan ay mas pinili ng aktres na magbakasyon sa napakagandang lugar sa Batangas sa The Farm sa San Benito.




Nito lamang October 21, nang ibahagi ni Nadine sa kanyang Instagram ang mga kaganapan sa kanyang panandaliang bakasyon sa Batangas kasama ang mga kaibigan. Sa pamamagitan ng ilang kuha ng larawan at video na ibinahagi ni Nadine, makikita na masaya silang naliligo habang umiinom ng wine.

At gaya naman ng nakilala nating Nadine Lustre, ay sadyang napakaganda at nakapasexy ni Nadine sa kanyang suot na swimsuit.

Ang naturang post sa Instagram ay nilakipan naman ni Nadine ng caption na:

“lil’ bday get away at @thefarmatsanbenito. 🐝@lyka.global”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by 小宮希美 🦂 (@nadine) on

Naka-tag rin sa nasabing post ang kanyang mga kaibigan tulad ng celebrity makeup artist na si Jelly Eugenio, hairstylist na si Paul Nebres, at photographer na si Andrei Suleik.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by 小宮希美 🦂 (@nadine) on

Samantala, maliban naman sa simpleng selebrasyon na ito ng aktres, ay may espesyal pa siyang regalo para sa kanyang sarili. Ito nga ang kanyang new single na pinamagatang “Wildest Dream” na ire-release sa mismong araw ng kanyang birthday sa October 31. Ang nasabing kanta ay bahagi ng kanyang upcoming full-length album na kung saan ay nasa ilalim ng Careless Music, ang record label na pagmamay-ari ng kanyang ex-boyfriend na si James Reid.

Noong nakaraang June, sa isang panayam sa MYX, matatandaan na ibinahagi ni James na ang album ay naka-focus sa “empowerment and self-love,” kung saan ay batay rin sa kwento ni Nadine. Ayon naman kay Nadine, ay maganda umano ang naturang album sapagkat ito’y “perfect platform or catalyst to help empower and inspire” ang mga taong makikinig sa kanyang kanta.




Matatandaan na marami sa mga tagahanga nina Nadine at James ang nalungkot at nagulat sa kanilang paghihiwalay noong Enero nitong taong kasalukuyan. At sa pamamagitan ng joint statement na ipalabas sa programang TWBA ni Tito Boy, kinumpirna ng dalawa ang kanilang paghihiwalay.

error: Content is protected !!