Connect with us

Entertainment

Silipin Ang Pag-Ani Ng Mga Pananim Sa Napakalawak Na Farm Ng Pamilya Ng Aktres Na Si Ysabel Ortega Sa La Union

Isa naman talagang napakagandang investment ang pagkakaroon ng isang napakalawak na lupain kung saan ay maaaring magtanim ng iba’t ibang produkto. Bukod sa makakatulong ito sa produksiyon ng mga pangangailangan ng bawat tao, ay maaari rin itong pagkakitaan.

Photo credits to the owner

Napakaganda ring may iba’t ibang klase ng pananim sa malawak na lupain dahil nakakatulong rin itong magbigay ng sariwang at napapabuti rin nito ang kalikasan. Kaya naman, mapalad ang mg nakapag-invest sa lupain dahil maaari nila itong pakinabanagan ng matagal.

Photo credits to the owner

At isa nga sa mapalad na nagmamay-ari ng malawak na lupain ay ang pamilya ng aktres na si Ysabel Ortega. Ngayon nga na wala pang gaanong pinagkakaabalahan ay nakatuon ang pansin ng 22 taong gulang na aktres sa kanilang napakalawak na lupain sa La Union. Ang nasabing lupain ay ginawang farm ng kanilang pamilya kung saan bukod sa pag-aalaga ng mga hayop, ay makikita rin ang iba’t ibang klase ng pananim.

Photo credits to the owner

Ngayong panahon nga ng pandemya ay ibinuhos ni Ysabel ang kanyang oras sa kanilang malawak na farm. At kamakailan lamang nga ay ipinasilip ng aktres sa isang vlog na mapapanood sa kanyang Youtube channel ang pag-aani ng mga pananim sa farm.

Minsan naman nang ibinahagi ng aktres sa kanyang naunang vlog ang ganda at lawal ng farm kung saan ay makikita ditong lemon plantation at may poultry rin. At sa kanyang latest vlog, ay ipinasilip naman ni Ysabel ang mga pananim ng iba’t ibang klase ng gulay pati na rin ang paghaharvest nito.

Sa kanyang vlog na pinamagatang “A Day in My Life at the Farm”, ay makikitang enjoy na enjoy si Ysabel habang siyang naghahavest ng mga aning gulay at prutas sa kanilang malawak na farm. Ilan nga sa mga bunga ng pananim na kanilang naani ay kamote, mais, luya at mangga.

Photo credits to the owner

Kwento naman ni Ysabel bago pa nila taniman ng iba’t ibang klase ng gulay ang malawak na lupain ay madami na ditong nakatanim na puno.

Pagbabahagi ni Ysabel, “Even before na inumpisahan na magtanim ng iba’t-ibang mga plants, mayroon naman ng mga existing dito na nakatanim. We had santol, chico, rambutan, mango, guyabano, lanzones, orange, suha, lemon, jackfruit, saging, at sampaloc”.

Wala namang nasasayang na espasyo sa malawak na lupain dahik tinitiyak rin nila na sa bawat puno, ay may nakatanim na luya sa pagitan nito.

Photo credits to the owner

Aniya, “Buong slope ng bundok namin, punong-puno ng luya and we really make sure na in between the trees we have right now, puro may luya kasi sayang naman din yung land na nakapalibot sa puno.”

Ang kasipagan nga ng pamilya ni Ysabel sa pagtatanim at pagpapalago sa kanilang malawak na farm ay nagbunga na. At literal nga na magaganda at masusustansiyang bunga ng gulay at prutas ang kanilang naaani sa malawak na farm.

error: Content is protected !!