Connect with us

Entertainment

Silipin ang Olympic Inspired Wedding Reception nina Gold Olympic Medalist Hidilyn Diaz at Asawa nitong si Julius Naranjo

Olympic Gold Medalist Hidilyn Diaz, ikinasal na sa kanyang coach/fiancée na si Julius Naranjo, ito ay makalipas ang mahigit 8-buwan matapos maganap ang kanilang surprise engagement.

Matatandaan na buwan ng Oktubre ng sorpresahin ng isang wedding proposal ni coach Julius Naranjo ang kanyang nobyang si Hidilyn Diaz, kung saan hindi naman siya nabigo dahil agad ngang ‘Yes’ ang isinagot sa kanya ng Olympic Gold Medalist weightlifter.

Kaagad na pinag-usapan ng publiko ang engagement ng magkasintahan, at naging agaw-pansin pa nga ang engagement ring ni Hidilyn na maliban sa pagiging ginto nito ay may disenyo nga itong barbell, na ayon sa fiancée niyang si coach Julius ito ay ipinasadya niya pa talaga.
Noon nga lamang ikalawang linggo ng buwan ng Hulyo 2022, ay inanunsyo ni Hidilyn sa publiko na ang pag-iisang dibdib nil ani coach Julius ay magaganap na, at ito ay sa petsa ika-26 ng Hulyo.

Ayon sa ulat ang naturang petsa ay siya rin ngang unang anibersaryo ng pagkapanalo ni Hidilyn ng gold medal sa Olympics, kaya naman talagang pinili nila na itaon dito ang isa pa sa pinaka-espesyal na araw sa buhay nila.

Samantala, nito nga lamang nakalipas na ika-26 ng Hulyo ay naganap na ang pag-iisang dibdib nina Hidilyn at coach Julius sa St. Ignatius Church sa Baguio. Ang naging photographer sa kasal ng dalawa ay ang Nice Print Photography, at makikita ang naging pagbabahagi nito ng ilang mga larawan na naging highlight sa kasal ng newlywed couple.

“Same day last year, @hidilyndiaz won our country its first ever Olympic Gold. Today, she won yet another Gold, as she married the Love of her life @imjulius”, ang naging caption ng Nice Print Photography sa mga larawan.

Makikita nga sa mga unang ibinahaging larawan ng Nice Print Photography ang napakagandang bride kung saan siya’y nakasuot na ng kanyang bridal gown. Ayon sa ulat, ang sikat na fashion designer na si Francis Libiran ang nagdisenyo ng bridal gown na ito ni Hidilyn.

Naging highlight din ng kasal nina Hidilyn at coach Julius ang venue ng reception ng kanilang kasal, dahil sa nakakalula sa ganda ng dekorasyon nito. Agad ngang mapapansin ang pagiging kulay ginto ng buong venue, sapagkat ayon nga sa lumabas na ulat Olympic-inspired ang look ng reception na ito ng newlywed couple.

Mapapansin na mula sa mga nakaka-wow sa ganda na mga ilaw na nagbibigay liwanag sa buong reception venue ay talaga namang nakukulayan ng ginto, hanggang sa mga dekorasyon sa bawat lamesa. Tunay ngang ‘stunning’ ang reception venue ng newlywed, at hindi ito nakapagtataka dahil ang sikat at popular na floral at event designer na si Gideon Hermosa ang gumawa nito.

Si Hidilyn Francisco Diaz ay isang weight lifter na naging unang Pilipino na nakapagbigay ng Olympic gold medal sa ating bansang Pilipinas. Ito ay matapos niyang manalo ng prestihiyosong medalya sa women’s 55kg weightlifting category noong 2020 Summer Olympics sa Japan. Ang kanya ngang napangasawa ay si Julius Naranjo, ang pinagkakatiwalaan niyang weightlifting trainer.

error: Content is protected !!