Connect with us

Entertainment

Silipin Ang Newly Renovated Wood-and-White Kitchen Kitchen Ni Rica Peralejo Na Sadyang Napakaganda Ng Disenyo

Bilang isang ina ng dalawang anak at butihing asawa ay nais aktres na si Rica Peralejo na makapaghatid ng maayos na serbisyo sa kanyang pamilya lalo na nga sa pagbibigay ng masarap na pagkain mula sa kanyang kusina. At ang isang hakbang nga sa pagiging reyna ng kusina ay ang pagkakaroon ng isang napakaganda gandang kusina na bukod sa malinis, ay organisado rin.

Photo Credits: Rica Paralejo |IG

Kamakailan lamang nga ay agaw atensyon ang ibinahaging renovated wood and white kitchen area ni Rica Peralejo-Bonifacio. At hindi naman maikakaila na ang disenyo ng kanyang kusina ay plinano at pinag-isipan niyang mabuti.

Photo Credits: Rica Paralejo |IG

Sa kanyang vlog noong nakaraang taon buwan Disyembre, ay masaya niyang ipinakita ang kanyang under construction na kitchen area. Nang unang ibahagi ito ng aktres sa kanyang mga tagahanga, ay makikita na wala pa itong tiles at cabinets.

Photo Credits to the owner

Patuloy naman ang paghahatid ng updates ni Rica sa progreso ng kanyang pinapagawang kitchen sa kanyang mga tagahanga sa pamamagitan ng pagbabahagi ng larawan sa kanyang social media.

Makikita nga ang bawat detalye ng progreso ng kanyang kusina. At ang naging resulta ng renovation ay sadyang napakaganda kung saan makikita ang malawak nitong espasyo. Dahil rin sa wooden and white na disenyo nito ay talagang lumutang ang ganda ng isang malinis na kusina.

Photo Credits to the owner

Mapapansin naman na ang mga kagamitan ay makikitang naka organisa at nakalagay sa kani-kanilang lagayan. Sa tulong nga ng mga cabinets at drawers na matatagpuan sa kusina ni Rica ay nagawa niyang maging malinis tingnan ang kanyang kusina.

Photo Credits to the owner

Bilang isang ina rin na handang mag-asikaso sa kanyang pamilya ay tiniyak rin ni Rica na kompleto ang mga appliances sa kanyang kusina. Ilan nga sa mga appliances na meron siya na talagang malaki ang naitutulong sa kanya ay ang water filtering system, rice cooker, airfryer at automatic coffe machine.

Lahat nga ng kailangan ni Rica para mapagsilbihan ng mabuti ang kanyang pamilya at matatagpuan na sa kanyang kusina. Tunay nga na isang reyna ng kusina si Rica sa kanilang tahanan.

Photo Credits: Rica Paralejo |IG

“A kitchen is a must and a great kitchen makes you a kitchen goddess,”pahayag nga ng aktres.

Tiyak naman na nag-eenjoy siya sa kanyang kusina sa tuwing naghahanda at pinagluluto niya ng masarap na pagkain ang kanyang pamilya.

Photo Credits: Rica Paralejo |IG

Samantala, ang ganda ng disenyong makikita sa kusina ni Rica ay inspirasyon rin ang hatid sa ibang ilaw ng tahanan. Maaari nga itong maging disenyo rin ng kusina ng mga nanay na nais rin ng all white design para sa isang malawak at malinis na kusina.

error: Content is protected !!