Connect with us

Uncategorized

Silipin Ang Newly Renovated Family House Ni Zeus Collins Sa Rizal

Una nating napanood ang mahusay na mamanayaw at modelong si Zeus Collins o mas kilala bilang Hashtag Zeus sa civilian edition ng reality talent show na Pinoy Big Brother 737 bilang isang housemate.

CREDITS: Google.com

At hindi naman maipagkakaila na sa loob ng bahay ni Kuya ay kinagiliwan nating lahat ang tambalang Zeus at Dawn na mas malalong nag paugong sa kanyang pangalan. Ang PBB ang naging tulay ni Zeus Collins upang ipamalas ang kanyang talento sa pagsasayaw. Hindi man naging madali ang naging karanasan ni Zeus sa loob ng bahay ni Kuya, ay naging daan naman ito sa pagbukas ng maraming oportunidad sa kanyang karera.

CREDITS: Zeus Collin| IG

Sa paglabas ni Zeus sa bahay ni Kuya bagama’t hindi man siya nanalo ay maraming oportunidad ang sumalubong sa kanya. Habang nasa loob ng bahay si Zeus ibinahagi niya ang kanyang buhay. Hindi ikinahiya ni Zeus ang pamilyang kanyang kinabibilangan. Inamin niya ring tumigil siya sa pag-aaral upang makatulong sa kanyang mga magulang sa pang araw-araw na pangangailangan.

CREDITS: Google.com

Naging motibasyon ni Zeus ang kahirapan upang magpatuloy at lumaban para sa kanyang pamilya. Naisakatuparan ni Zeus ang pangarap na maayos na tahanan para sa kanyang pamilya matapos niyang manalo sa game show ng ABS-CBN na Minute to Win It noong Enero.

CREDITS: Google.com

Ang hamon upang maiuwi niya ang isang papremyo na nagkakahalaga ng P1 Million ay maitawid sa kabilang mesa ang playing cards na nakapatongpatong sa tiglilima, one at time. At napagtagumpayan nga ni Zeus ang hamon na na may natitira lamang na pitong segundo. Ang katagang “Para sa inyo to” na tumutukoy sa kanyang pamilya ang nagpalakas loob kay Zeus upang ipanalo ang laro.

CREDITS: Google.com

Ang perang pinanalunan ni Zeus ay ginamit niya sa pagpapatayo ng bahay sa probinsya ng Rizal. Ipinasilip ni Zeus ang bunga ng kanyang tagumpay. Dagdag pa nga dito, ay masaya namang ipinakita ni Zeus ang ilang larawan na kuha sa before and after ng kanilang tahanan.

CREDITS: Google.com

At masisilayan nga sa mga larawan na talagang napakaganda na ngayon ng bahay ni Zeus. Kaya naman, lubos ang pasasalamat ni Zeus sa Minute to Win It na naging daan para maging maayos at maganda ang bahay ng kanilang pamilya.

CREDITS: Google.com

“Sobra nagpapasalamat ako sa Minute to Win It dahil natupad na yung pangarap ko para sa pamilya ko,”madamdaming pahayag ni Zeus.

Isang patunay nga si Zeus na walang imposible sa pag-abot ng mga pangarap. Huwag susukong mangarap, dahil ang kahirapan ay di hadlang bagkus nga ay gawin itong inspirasyon para lalong magsumikap sa pag-abot ng pangarap.

error: Content is protected !!