Connect with us

Entertainment

Silipin ang Napakalawak na Palayan ng Aktor na si Rommel Padilla na Matatagpuan sa Nueva Ecija

Published

on

Ang mga magsasaka ang isa sa itinuturing nating bayani sa ating lipunan dahil sila ang nagbibigay sa atin ng sariwang mga ani ng mga gulay, prutas at mga pagkain na kinakain natin sa araw-araw, at higit sa lahat ay bigas na nagsisilbing pangunahing pagkain natin.

Ika nga ng kanta, magtanim ay di biro. Tunay nga na hindi biro ang pagtatanim dahil talagang napakahirap at nakakapagod itong gawin. Ngunit, dahil na rin sa sipag at tyaga ng mga magsasaka na makapag-ani ng marami ay hindi sila sumusuko sa pagsasaka upang may makain ang kanilang pamilya at sambayanan.




Kaya naman, ang aktor na si Rommel Padilla ay tinulungan ang mga magsasakang makapag-ani ng maraming palay sa kanyang napakalawak na palayang matatagpuan sa Nueva Ecija. Ang naturang palayan ay mismong pagmamay-ari ng aktor, at may mga magsasaka siyang nag-aani ng mga palay. Malaking tulong naman talaga sa pamilya ng bawat magsasaka kung magkakaroon sila ng masaganang ani.

Photo credits: Rommel Padilla | Instagram

At upang mapalawig ang kanyang adhikain na matulungan ang mga magsasaka, nakipag-ugnayan siya sa isang AgriTech na kompanya upang mapalakas ang ani ng mga magsasaka. Talaga namang kahanga-hanga ang magandang adhikain ng aktor upang makatulong sa mga magsasaka.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rommel Padilla (@omengq) on

Proud na proud ngang ibinahagi ng aktor ang mga lumalagong pananim sa kanyang napakalawak na palayan at ang hangad ng aktor ay magkaroon ng saganang ani ang mga magsasaka upang makatulong sa kanilang pamilya at mga mamamayan.

“Palay ay buhay. Dalangin ko po naway maging hitik sa bunga ang lahat ng aming ipinunla upang matustusan ang pangangailangan ng pamilya at ang ating pamayaman. Ang DIYOS ang siyang pinaka Dakila!”

Makikita naman sa Instagram ni Rommel ang madalas niyang pagbabahagi ng kanilang masaya at payak na pamumuhay sa kabukiran kasama ang kanyang pamilya.

Photo credits: Rommel Padilla | Instagram

Si Rommel Padilla ay ama ng Kapamilya actor na si Daniel Padilla. Ngunit, ang ama ni Daniel ay muling nag-asawa at nagkaroon na ng sariling pamilya. Pinasok rin ni Rommel ang politika kung saan ay napabilang siya sa unang distrito ng Nueva Ecija bilang isang Kongresista. Tumakbo ulit siya noong nakaraang eleksyon ngunit sa pagkakataong ito ay hindi na siya pinalad na masungkit ang hinahangad na posisyon.




Samantala, kahit abala si Rommel sa kanyang palayan ay aktibo pa rin siya sa kanyang mga proyekto sa showbiz at patuloy na ipinapamalas ang husay sa pag-arte. Ngayon nga, ay mapapanood si Rommel sa teleseryeng A Soldier’s Heart kung saan ginagampanan niya ang karakter ni Dante Marasigan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rommel Padilla (@omengq) on

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rommel Padilla (@omengq) on

error: Content is protected !!