Connect with us

Stories

Silipin ang Napakalawak at Napakagandang Farm ni Vilma Santos sa Lipa Batangas

Hindi makakaila na ang isang Vilma Santos ay marami ng naipundar simula noong nagtrabaho siya sa showbiz hangang siya ay maging public servant.

Isa sa mga pinaka magandang investment ni Vilma Santos ay ang kanyang napakaganda at napakalawak na farm, na ifeneature ng kanyang daughter-in-law na si Jessy Mendiola sa kanyang vlog.

Photo credits: Jessy Mendiola | Youtube

Matatagpuan ang farm na ito ni Ate Vi sa Lipa Batangas, na may malawak na sakop at may ibat ibang klase ng nakatanim na puno, prutas, gulay at halaman. Makikita din ang ibat-ibang uri ng hayop sa farm ni ate Vi.

Photo credits: Jessy Mendiola | Youtube

Nang tanongin si ate vi kung bakit nya nga ba napagdesisyonan na bumili ng lupa at patayuan ito ng farm, ang sagot ni ate vi ay,

 “Dream ko talaga magkaroon ng farm, yung may mga tanim, yung meron kang naha-harvest, may mga birds, may mga hayop. Talagang ‘yun ang dream ko, matagal na…”

Pagbabahagi naman ni ate vi, ang kanyang asawang si Senator Ralph Recto talaga ang may pinakamalaking parte kung bakit natupad ang pangarap na ito ni ate vi,

‘Yun yung ginawa ni Ralph. Siya lahat iyan, in fairness to him. Ito yung regalo ni Ralph. Siya ang may idea ng lahat na ito. Basta gusto ko farm para may time to relax.” Pagbabahagi ni ate vi.

Sa paglilibot nila sa kanilang farm, ibat-ibang hayop ang mga makikita dito kagaya nalamang ng peacock, baka, manok, lovebirds at marami pang iba.

Photo credits: Jessy Mendiola | Youtube

Photo credits: Jessy Mendiola | Youtube

Matatandaan na ang farm na ito ang isa sa pinagpipilian na venue ng mag-asawang Luis Manzano at Jessy Mendiola para sana sa kanilang kasal, na nauwi sa pagpapasya nila na sa The Farm at San Benito nalang nila ganapin ang kanilang secret wedding.

Photo credits: Jessy Mendiola | Youtube

Talagang marerelax ang sino mang pumunta na kaibigan, kamag-anak nila ate vi sa farm nila dahil sa nakaka goodvibes na kapaligiran, at mga kagamitan na pwedeng pahingahan kagaya ng mga duyan, upuan sa ibat-ibang lugar ng farm.

Photo credits: Jessy Mendiola | Youtube

Photo credits: Jessy Mendiola | Youtube

Mayroon din malaking aquarium sila ate vi na maraming nakalagay na isda kagaya ng gold fish.

Photo credits: Jessy Mendiola | Youtube

Isa sa pinaka highlights ng farm ni ate vi ay ang kanilang foodtruck na pinagalanan niyang talino at puso na nag ooffer ng ibat-ibang pagkain kagaya ng lugaw, toast ham sandwich, clubhouse sandwich, hotdog sandwich at hungarian sausage with fries.

Photo credits: Jessy Mendiola | Youtube

kaya naman siguradong hindi magugutom ang mga taong gustong mamasyal dito.

error: Content is protected !!