Connect with us

Entertainment

Silipin ang Napakalaki at Napakaga Gandang Mansyon ni Willie Revillame na May Makapagpigil Hiningang View ng Taal Volcano sa Tagaytay

Marahil kahit na sino sa atin ay kilala si Willie Revillame, hindi lang bilang isang mahusay na TV host at komedyante, kundi isa din siya sa mga personalidad sa mundo ng showbiz na hinahangaan dahil sa pagiging isa niyang magaling na mang-aawit at negosyante.

Batid naman ng marami sa atin, na si Willie ay nagsimula sa industriya ng showbiz ng pa-extra-extra lang, pero dahil sa kanyang sipag at dedikasyon sa kanyang trabaho at sa pagiging mahusay niyang komedyante ay bumuhos ang napakaraming oportunidad sa kanya hanggang sa maabot niya ang karangyaang tinatamasa niya ngayon.
Sa tinatamasang karangyaan ni Willie ngayon ay tunay na napakarami na niyang naipundar na ari-arian, katulad na lamang ng mga mamahalin niyang mga sasakyan at mga naglalakihan niyang tahanan.

Isa sa mga ipinagmamalaki at tunay na nakakalulang ari-arian ni Willie ay ang naipundar niyang tahanan sa Tagaytay, na hindi lamang basta mala-mansyon kundi mala-resort din ito. Ang tahanan na ito ni Willie sa Tagaytay at nakatirik sa isang napakagandang lugar na may kahanga-hangang tanawin.

Tunay na napakaganda ng tahanan na ito ni Willie at kahit na sino marahil ang bibisita dito ay mag-e-enjoy. Maliban kasi sa matatanaw mong magandang tanawin mula rito, ay mayroon din ditong infinity pool kung saan pwedeng mag-enjoy at magtampisaw at napakalawak din ng bakuran nito.

Ayon sa ulat, ang mala-mansyon at mala-resort na tahanan na ito ni Willie ay itinayo sa tatlong lote na nabili niya ilang taon na ang nakararaan. Nakuha naman umano ang disenyo ng naturang tahanan na ito ni Willie ay inspirasyon mula sa Bulgari Hotel and Resort na matatagpuan naman sa Bali, Uluwato, Indonesia.

Makikita naman na ang tahanan na ito ni Willie ay maganda sa loob o labas man. Malaki ito at halos gawa sa mga salamin ang mga bintana at pintuan. Mayroon din itong malawak na dining area na tamang-tama kapag mayroong mga gaganaping okasyon.

Ang nakakabilib pa sa tahanan na ito ni Willie ay ang daanan nito papasok kung saan mayroong nakalagay na LED illuminated chairs, lamesa at bar area. Dalawa din ang dining set ng tahanan na ito ng sikat TV host, kung saan ito ay kayang paunlakan ang 20-katao at mula umano ito sa Dedon’s Play collection.

Sa unang palapag ng mala-mansyon na tahanan na ito ni Willie ay agad na mapapansin ang coved ceiling na naghihiwalay sa dining at living area. Open layout din ito, at ang living area ay mayroong top-notch entertainment system.

Hindi din mawawala ang pool area, roof deck at veranda sa tahanan na ito ni Willie, kung saan makikita ang napakagandang tanawin ng Tagaytay.
Magmula nga sa loob at labas ng tahanan na ito ni Willie ay talagang mamangha ka na, dahil halos lahat ng kagamitan dito at mga mwebles pati ang lightning effect ay tunay na nagpadagdag ng kagandahan sa malamansyong tahanan.

error: Content is protected !!