Connect with us

Entertainment

Silipin ang Napakagandang Vacation House ng Aktres na si Kris Bernal Sa Los Angeles, California

Ang isa sa bunga at pagsisikap ng aktres na si Kris Bernal, ay inilaan niya sa real estate property. Isa na nga rito ang bahay at lupa na nabili niya sa California, USA noong 2018.

Credits: Image in Google

Ang property na ito ay binili ni Kris noong Pebrero 2018,at nasa pakamay na niya noong Abril 2018 na kanyang isinapubliko noong Hunyo 2018.

Samantala, kwento ni Kris sa isang panayam, ay dream come true para sa kanyang ina na si Analyn Tan ang magkaroon ng vacation house sa U.S. At nagkaroon na ng ideya ang aktres nang ipagpatuloy ng kanyang kapatid na si Katie ang karerang nursing sa Los Angeles. Kaya naman, ngayon nga ay may tinutuluyan na silang bahay sa US sa tuwing magbabakasyon rito.

Credits: Instagram | Kris Bernal

“My mom encouraged me to buy a house in LA. It was more of a vacation house where we, especially me, can stay for a respite while enjoying the cool weather, scenery, shopping, and get together with friends and relatives.”

Ang napakagandang vacation house na ito ni Kris ay isang two-storey house na may sukat na 2,022-square-foot floor area at may 3,750-square-foot lot.

Isa namang napakagandang investment ito para kay Kris dahil ang perang kinikita ay inilaan niya sa tama. Hindi naman basta-basta ang halaga ng property na nabili ni Kris, ayon sa real estate website ito ay may estimated value ng $614,002, o nagkakahalaga ng PHP33 million.

Credits: Youtube

“Buy only the things you need, adhere to simplicity, or minimalism and invest your money wisely.”

Samantala, ang nasabing bahay ay may 4-bedrooms na bukod na napakalawak ang may high ceiling rin. Sa unang palapag matatagpuan ang living room, kitchen area at dining area kung saan masisilayan ang hardwood floors. Isa namang granite counter tops ang makikita sa kitchen area na talagang bumagay sa disenyo nitong modern minimalist home.

Minimal rin ang kabuuang loob ng bahay, at wala pa itong masyadong appliances at furnitures dahil mga mahahalagang gamit lamang ang makikita rito.

Credits: Youtube

“We bought some furniture from Ikea, Ashley, and Pottery Barn outlets. Kami lang nag-ayos noong house with Pinterest inspired-look. Minimal lang.”

Sa ikalawang palapag naman makikita ang 4 na silid, na ayon kay Kris 3 sa mga ito ay kanyang pinapaupahan. Kaya naman, may kita paring napupunta sa aktes.

“Actually, nag-e-earn din yung house kasi we have the three rooms rented out. Tumataas din yung value ng house. So win-win talaga yung investment.”

Credits: Image in Google

Ang master’s bedroom ang paboritong lugar ng aktres kung saan madalas silang magbonding ng kanyang pamilya. May sarili naman itong bathroom at walk-in closet. Maliban sa bathroom sa loob ng master’s bedroom, ay may dalawang bathroom ang bahay.

Credits: Youtube

Mayroon rin itong hiwalay na family room na may sariling fireplace. May malawak na backyard rin ang bahay kung saan may covered patio at two-car garage.

error: Content is protected !!