Connect with us

Entertainment

Silipin Ang Napakagandang Tropical Bungalow House Ni Miss Universe 2010 Venus Raj

Marami ang pinabilib ni Miss Universe 2010 Venus Raj nang ipamalas niya ang kanyang husay sa pagrampa at pagsagot ng katanungan sa Miss Universe pageant noong 2010. Ang Filipino-Indian beauty queen na si Venus ay title holder ng Binibining Pilipinas Universe 2010. At siya nga ang naging pambato ng Pilipinas sa Miss Universe kung saan nga ay itinanghal siyang 4th Runner Up.

Photo Credits: Venus Raj| IG

Ang napakagandang si Venus na taglay ang natural na kagandahan ay ipinanganak sa Doha Qatar kung saan nakilala ng kanyang inang Pilipina ang tatay niyang Indiano. Ngunit, sa huli nga ay iniwan siya ng kanyang biological father, at dinala naman siya ng kanyang ina sa Bato, Camarines Sur at dito na nga siya lumaki.

Photo Credits: Venus Raj| IG

Napakasaya naman ng buhay ng pamilya ni Venus sa probinsya kung saan nga ay may simple silang pamumuhay. Ginugol nga ni Venus ang kanyang kabataan sa kanilang munting kubo na yari sa kawayan at anahaw leaves. At ang kanilang munting tahanan namang ito ay nakatayo sa gitna ng palayan kung saan naman masisilayan ang napakagandang tanawin. Hindi naman mawala sa alaala ni Venus, ang hirap ng buhay nila noon sa probinsya lalo na nga’t wala pang kuryente sa kanilang kubo.

Photo Credits to the owner

Samantala, hindi naman maikakaila na malayo na nga ang narating na tagumpay ni Venus sa kanyang karera. Matapos ngang magwaging 4th Runner sa Miss Universe pageant noong 2010, ay pinasok rin niya ang mundo ng showbiz. Pagkatapos nga ng kanyang journey sa Miss Universe, ay pumirma ng exclusive contract si Venus sa Kapamilya Network, kung saan ipinamalas niya ang kanyang husay bilang aktres at TV host. Naging isa sa mga host nga si Venus ng morning show na Umagang Kayganda.

Photo Credits to the owner

Kaya naman, sa kanyang pagbabalik sa kanyang probinsya sa Cam Sur, ay natupad nga niya ang kanyang pangarap na makapagpatayo ng kanyang dream house para sa kanyang pamilya. At ito nga ang kanyang napakagandang bungalow type house na may tropical na disenyo. Bago naman maisakatuparan at masilayan ang gandang hatid ng dream house ni Venus, ay inabot ito ng isa at kalahating taon bago matapos.

Photo Credits to the owner

Makikita naman talaga na ang bahay na bunga ng pagsisikap at pinaghirapan ni Venus ay sadyang napakaganda. Bukod sa maaliwalas ay nakakarelaks rin dito lalo nga’t malapit sa kalikasan. Hindi naman maipagkakaila na masayang masaya si Venus sa tagumpay na kanyang narating. At dahil nga dito, ay patuloy rin niyang natutupad ang kanyang mga pangarap sa buhay.

Photo Credits to the owner

Tunay nga na hinahangaan ng publiko si Venus dahil sa kanyang humble beginnings na sinamahan rin niya ng sipag at determinasyon. At ngayon nga, ay masasabi na talagang tinatamasa na niya ang tagumpay na bunga ng kanyang pagsisikap.

error: Content is protected !!