Connect with us

Entertainment

Silipin ang Napakagandang “Tiny House” na Matatagpuan sa Cavite ng Couple na ito na Kanilang Naipatayo sa Halagang P280,000

Marami nga sa atin ang nagnanais na magkaroon ng sariling bahay. Ngunit, dahil na rin sa kawalan ng budget sa pagpapagawa o kaya naman ay walang loteng pagtatayuan ay hindi natin ito naisasakatuparan.
Isang nakaka-inspire na kwento ang hatid ng couple na sina AB Magtulis at Hazel Garcia matapos makapagpatayo ng isang malilit ngunit napakagandang bahay. Pinatunayan nga ng couple na ito na hindi kinakailangang magkaroon ng malawak na lote o espasyo upang makapagpatayo ng napakagandang bahay.

Ang couple na sina AB at Hazel ay nais magkaroon ng isang komportableng lugar kung saan maaaring silang makapagtrabaho sa loob ng tahanan. Ngunit, sa halip na mangupahan sa condo sa syudad, mas pinili ng dalawa na magpatayo na lamang ng bahay na kalapit lamang ng bahay nina Hazel sa probinsya ng Cavite upang makatipid. At ito nga ay tinawag nilang “Tiny House” na may floor area na 6 sqm. Pinatunayan nga ng couple na hindi hadlang ang maliit na espasyo upang makapagpatayo ng bahay.




Sa panayam ng Real Living sa couple, ibinahagi nila ang kwento sa likod ng napakagandang tiny house na nabuo nila sa halagang P280, 000. At ang mas nakakabilib pa sa tiny house na ito ay may dalawang palapag at may sariling rooftop kung saan masisilayan ang magandang tanawin. Maliit man ang espasyo ay saktong-sakto naman ito para sa kanilang dalawa at nakakarelax ring magtrabaho habang nasa loob ng munting bahay. Sina AB at Hazel mismo ang nag-isip ng magiging konsepto at disenyo ng kanilang napakagandang tiny house.

Sa labas pa lang ay masisilayan na ang ganda nito. Ang disenyo nga ng bahay ay bumagay sa kapaligiran nito dahil sa kulay luntiang pintura na ginamit rito. Kahanga-hanga rin dahil may munting landscape sa harapang bahagi ng bahay na nakadagdag sa kagandahan at disenyo rito.

Samantala, pagpasok naman sa loob ng bahay ay makikita naman ang kaayusan at kalinisan sa bawat sulok nito. Maliit man ang espasyo, ay napakakomportable naman sa loob. May sarili itong bathroom, ay may hagdan rin patungo sa higaan. Nakapwesto naman sa pinakasala ng bahay ang mga laptop at ilang kagamitan sa work from home ng dalawa.

Sa ngayon, ay wala pa itong kusina dahil umano sa kinulang ang kanilang budget. Ngunit, kanila itong papagawan ng kusina sa bandang gilid na bahagi ng bahay. Balak rin nilang palagyan ito ng mini closet dahil nga may bakante pang espasyo sa bandang likuran nito. Plano nina AB at Haze na matapos ang kanilang Tiny House ngayong taon. Dahil nga, nasimulan na ang pagpapaganda rito, ay mas lalo pa nilang pagtutunan ng pansin ang mga dapat ayusin.

Ayon naman sa couple, nagsimula lamang sila sa P50,000 na gastos sa pagpapagawa. Ngunit, nalaman nila na ang naturang halaga ay hindi pala kasya para sa tiny house nila, buti na lamang at may ipon sila kung kaya’t nagawa nilang isakatuparan ang inaasam na napakagandang bahay. At ang kabuuang gastos nga nila ay umabot ng P280,000, kasama na ang mga kagamitang makikita sa loob ng bahay.




Ayon pa sa dalawa, ay halos umabot ng 3 buwan ang pagpapagawa ng munting bahay at dahil nga sa rainy season ay hindi agad ito natapos. Ngunit, nang matapos at masilayan ang ganda ay marami ang humanga sa kanilang “tiny house”. May ilan pa nga raw na dumadayo sa kanilang tahanan upang masilayan ito at makapagpapicture.

Talaga namang kahanga-hanga ang Tiny House nina AB at Hazel, maliit man ay napakaganda naman nito at komportable rin sa loob. Tiyak na makakapagtrabaho ng maayos sa loob ng kanilang munting tahanan ang couple.

error: Content is protected !!