Connect with us

Entertainment

Silipin ang Napakagandang Tahanan ng Aktres na si Ysabel Ortega, na Isang Bali Inspired Home sa La Union

Ang aktres na si Ysabel Ortega ay sumikat matapos gumanap na Charlotte o “Charlie” sa Pusong Ligaw. Hindi naman maikakaila na talagang ipinakita ni Ysabel ang kanyang husay sa pag-arte dahilan ng pagdagsa ng maraming proyekto sa kanya karera.

Credits: Ysabel Ortega | Youtube

Samantala, ngayong panahon ng pandemya ay ginugugol ni Ysabel ang kanyang oras sa pananatili sa loob ng kanilang tahanan sa La Union kung saan ay abala siya sa kanyang online classes. Kinuha naman ni Ysabel ang pagkakataon ito upang maipasyal ang kanyang mga tagahanga sa kanilang napakagandang tahanan na isang Bali Inspired home.

Credits: Ysabel Ortega | Youtube

Sa isang vlog na mapapanood sa kanyang Youtube Channel ay nagkaroon ng house tour si Ysabel sa kanilang bahay. Unang ipinakita ng aktres ang bamboo sala sa labas ng kanilang bahay na matatagpuan sa frontdoor. At ang napakagandang furniture na ito ay gawang lokal.Pagpasok naman sa loob ng bahay ay sasalubong ang kulay puting disenyo na nagbigay ng maaliwalas na kapaligiran. Ayon naman may Ysabel, ay ginawa nilanh kulay puti ang pintura ng walls, upang bumagay ito sa mga wood furniture at iba pang artworks na makikita sa loob ng bahay.

Credits: Ysabel Ortega | Youtube

Inilarawan naman ni Ysabel ang disenyo ng bahay bilang modern Balinese ngunit may kombinasyon ng kaunting Filipino design. Karamihan nga sa mga kagamitang makikita sa sala ay mula sa Triboa Bay Living katulad ng mga sculptures at chandeliers at Crate & Barel. At ang pinakapaborito niya sa living area ay ang white couches na mula sa Philux. Dito naman kadalasang namamahinga lalo na kapag pagkatapos kumain.

Credits: Ysabel Ortega | Youtube

Kalapit naman ng living area ay ang formal dining area. At ang napakagandang dining table ay yari sa uprooted tree na kinuha mula sa kanilang farm. Hahangaan rin ang lanai area na napakaganda rin ng disenyo. Dito naman kadalasang tinatanggap ang bisita, lalo na kapag maraming guest at hindi na nga kasya sa loob. May makikita namang malaking dining table dito na siyang ginagamit kapag naghahang-out at kumakain ng sama-sama ang kanilang pamilya.

Credits: Ysabel Ortega | Youtube

Ang pool area naman, ay hindi lamang basta isang uri ng swimming pool dahil kompleto ito. May regular pool, kiddie pool at jacuzzi ang kanilang napakalawak na pool area. At pagsapit ng gabi ay mas kahanga-hanga ang tanawing masisilayan rito.

Credits: Ysabel Ortega | Youtube

Inilibot rin ni Ysabel ang mga viewers sa iba pang bahagi ng kanilang tahanan kabilang na nga rito ang movie room at kitchen area.

error: Content is protected !!