Connect with us

Entertainment

Silipin ang Napakagandang OOTD ni Liza Soberano sa Kanyang Ika-23rd Birthday na Nagkakahalaga ng Mahigit P260,000

Ang mahusay at talentadong aktres na si Liza Soberano ay isa sa hinahangaang artista sa indsutriya ng showbiz. Hindi naman ito nakapagtataka dahil bukod sa taglay na talento sa pag-arte, ay talagang kahanga-hanga ang kanyang angking kagandahan. Sa kanyang napakaganda at maamong mukha nga, ay mabibighani ang sinuman. Dahil rito, kilala rin si Liza bilang isa sa may pinakamagandang mukha sa showbiz.




Samantala, ang hinahangaan ng lahat na si Liza, ay masayang nagdiwang ng kanyang 23rd birthday noong ika-4 ng Enero kasama ang kanyang mga mahal sa buhay sa napakagandang isla ng Siargao. Hindi rin nawala sa espesyal na pagdiriwang ang boyfriend ni Liza na si Enrique Gil.

Sa Instagram, ibinahagi ng aktres ang mga larawan na kuha sa masayang pagdiriwang ng kanyang kaarawan. At dahil nga espesyal na araw ito para kay Liza, ay hindi naman niya pinalampas ang pagkakataon na maisuot ang damit na talagang babagay sa kanya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Liza Soberano (@lizasoberano)

At para sa 23rd birthday ni Liza, ay sinalubong niya ito ng napakagandang damit mula sa local brand na Ninety Ninety Studio kung saan mas pinili niyang magsuot ng silk crop top at isang ruched skirt. Ayon sa website ng Ninety Ninety Studio, ang Silk Cropped Tee in Tan, ay may halagang P1450, samantalang ang Silk Ruching Skirt in Tan ay P1990. Hindi naman maikakaila na mas lumutang ang ganda ng aktres sa suot nito.

Binagayan naman ito ni Liza ng isang Louis Vuitton handbag na Petite Malle Monogram nagkakahalaga naman ng P264, 239. Ang nasabing bag ay maaaring gawing clutch, ngunit may kasama rin itong strap kung saan ay ginagamit bilang sling. At makikita sa larawan na komportableng suot ni Liza ang bag bilang isang sling bag.




Kung pagsasamahin lahat ang halaga ng suot na OOTD ni Liza sa kanyang birthday, ay nagkakahalaga ito ng mahigit P260,000.

Kapansin-pansin naman sa larawan na walang suot na sapatos si Liza, at nakayapak lamang ito. Ngunit, hindi ito kabawasan upang ipakita ni Liza ang angking kagandahan na talaga namang kahanga-hanga.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Liza Soberano (@lizasoberano)

Tunay nga na talagang napakaganda ni Liza sa kanyang suot. Sa kabilang banda, ang mamahaling kasuotan, ay hindi naman basehan upang ipamalas ang angking ganda, sapagkat kahit simple at mumurahin ang kasuotan, ay mangingibabaw parin ang tunay na kagandahan. Tulad nga ni Liza, anuman ang suotin ay talagang lumulutang ang taglay na kagandahan.

error: Content is protected !!