Silipin ang Napakagandang Mansiyon ng Aktres na si Janice De Belen na Bunga ng kanyang Pagsisikap

Isa sa nagsisilbing inspirasyon natin sa buhay ay ang ating mga iniidolong artista sa industriya ng showbiz. Sa pagsubaybay natin sa kanilang buhay, nasaksihan natin ang mga kaganapan at pagbabago sa kanilang buhay. Maging ang bunga ng kanilang sipag at tyaga sa trabaho ay nakikita rin natin. Isa na nga rito ang mga magaganda at naglalakihang bahay na kanilang naipundar na mula sa kanilang pagsusumikap.

Kaya naman, bilang tagahanga ay ibang kaligayahan ang dulot nito sa tuwing masisilayan ang bunga ng kanilang pinaghirapan na kung saan ay mas lalo tayong humahanga at nagiging inspirasyon ito sa atin upang magsumikap rin sa buhay at maabot ang pangarap na inaasam.

Isang inspirasyon nga ang hatid sa kanyang mga tagahanga ng aktres na si Janice De Belen nang ipasilip niya ang kanyang napakaganda at napakalaking bahay na bunga ng kanyang pagsusumikap.



Dahil nga lumalaki na ang pamilya ni Janice kung saan kasama niya ang kanyang mga anak at mga apo sa iisang bubong, nagpasya ang aktres na ipa-renovate ang buong bahay at umabot ito ng halos dalawang taon bago matapos. Noong 2014, nang maisaayos na at mapaganda ang kanilang bahay ay tuluyan na silang lumipat rito.

Ang nais ng aktres na napakaganda at eleganteng bahay na kung saan ay may napakalawak na espasyo para sa kanyang lumalaking pamilya ay naisakatuparan ng mga mahuhusay na designer at architect na sina Deng Gepanaga, Dong Caritativo, at Arlene Andres. Kitang-kita nga ang resulta sa bagong renovate na bahay ng aktres, ang malaking pagbabago nga nito ay masisilayan magmula sa exterior design hanggang sa interior design.

Makikita nga sa larawan ng bagong renovate na bahay ng aktres, na nasunod ang nais niyang maging simple at maluwang ang bahay niya, samantalang ang disenyo naman ay angkop para sa mga bata at tiyak naman na magugustuhan ng mga ito.

Sa living room pa lang ay masisilayan na agad kung gaano ito kaluwang na mas lalo namang pinaganda ng iba’t ibang klaseng dekorasyon at koleksyon ng aktres na makikita sa naturang silid. Agaw pansin din ang salaming bintana kung saan malayang nakakapasok ang liwanag na nagmumula sa labas.

Photo credits: realliving

Kahanga-hanga rin ang kitchen area sa tahanan ng aktres dahil ang disenyo nito ay maihahalintulad ito sa moderno at mamahaling restaurant na kung saan ay laging handang maghain ng masasarap na pagkain.

Samantala, pagdating naman sa dining area ay makikita na agad ang waluhang dining table na makikita sa gitna ng napakalawak na dining area. Sa dulong bahagi naman ng dining area matatagpuan ang isang malaking kabinet kung saan maayos na nakasalansan ang mga kagamitan sa kusina.



Photo credits: realliving

Kapansin-pansin rin ang pagkahilig ng aktres sa mga likhang sining na gawang Pinoy dahil ang kanyang bahay ay napapalamutian rin ng mga kahanga-hangang obra. Ang ilan nga sa mga obrang ito ay likha ni Pedro Garcia na kung saan ay nakasabit sa dingding sa may hagdan patungo sa ikalawang palapag ng bahay. May napakagandang painting rin na naka-display at mga iba’t ibang klaseng libro na makikita sa isang silid ng bahay.

Photo credits: realliving

Ang bedroom naman ng aktres ay napakaganda rin kung saan makikita ang kalinisan at pagiging simple nito. Ngunit, siniguro ng aktres na kagaya ng ibang bahagi ng kanyang bahay, ang kanyang silid-tulugan ay malawak rin. Sa bedroom naman ng kanyang anak na si Juan ay makikita ang kasimplehan at maayos na pagkakaayos ng mga kagamitan sa malawak nitong espasyo.



Photo credits: reallivin

Ang tambayan naman ng aktres at nasisilbing bonding area ng kanyang pamilya ay ang veranda ng bahay kung saan madalas silang kumain rito habang tanaw ang tanawin sa labas ng bahay at dinadama ang masarap na simoy ng hangin.

Photo credits: reallivin

Talaga nga namang kahanga-hanga ang napakagandang bahay na naipundar ni Janice na may nakakalulang laki at lawak. Tunay nga na isang inspirasyon ang hatid ng aktres dahil ang pagsisikap niya sa buhay at ang mga pinaghirapan niya ay nailagay niya sa tama at ngayon nga ay tinatamasa niya ang tamis ng tagumpay.