Connect with us

Stories

Silipin ang Napakagandang Loft-Style Tiny House Na Ito Na Naipatayo Ng Isang Pamilya Sa Loob Lamang Ng 54 Days

Ang makitang mabigyang katuparan ang pinapangarap na bahay para sa ating pamilya ay talagang abot langit na pasasalamat at kaligayahan ang hatid sa atin. Katulad na lamang nga ng pamilya ni Ayen dela Cruz-Ylagan na ang matagal nang pangarap at planong magkaroon ng sariling bahay ay nabigyang katuparan na.

Kamakailan lamang nga ay naitampok ng Smart Parenting ang bahay na naipatayo ng mag-asawang Ayen at Apollo. Ito nga ay isang Loft-Style tiny house na sa tulong ng mahusay na engineer ay nabigyang katuparan. Ibinahagi naman ni Ayen sa panayam na bago pa idisenyo ng engineer ang kanilang tiny house ay nagbigay na sila ng mga ideya rito.

“Before i-design ng engineer namin ‘yung tiny house, we sent him a lot of ideas na na-search namin from Google, Tiny House Nation on Netflix, and sa Tiny House pages on Facebook. We’ve always wanted to have a simple house, a tiny house with a loft dahil sobra kaming na-inspire sa mga napapanood namin,”ayon kay Ayen.

Photo credits: smartparenting.com.ph

Photo credits: smartparenting.com.ph

Ang kanilang family friend na si Engineer Louigi Gayutin, na siya ring contractor ng bahay ng pamilya Ylagan ang siyang nagbigay katuparan sa kanilang loft-style tiny house. Ang kanilang munting tahanan ay nakatayo sa loteng may sukat na 4 metrong lapad, at 17 metrong haba. Ngunit, hindi naman naging hadlang ang maliit na espasyong ito para magamit at mamaximized nila ang bawat bahagi ng bahay. Masasabi nga na isang wais na desisyon ang ginawa ng mag-asawa na magpatayo ng tiny house na may sapat na espasyo para sa kanilang pamilya.

“We came up with a design that works with the space we have, plus it leaves us with a decent space in front and at the back of the property.”

Photo credits: smartparenting.com.ph

Photo credits: smartparenting.com.ph

Makikita naman na kuhang-kuha talaga ang disenyong nais nila kaya naman masayang ibinahagi ng mag-asawa ang kanilang kwento ng pagpapagawa ng bahay sa Home Buddies para maghatid rin ng inspirasyon sa iba.

“We’re really happy na-achieve ang look na gusto namin kaya na-inspire ako i-share sa Home Buddies. We’re glad na madaming naka-appreciate ng aming simple house.”

Photo credits: smartparenting.com.ph

Photo credits: smartparenting.com.ph

Kung sa tingin nga ng iba ay mahirap mag-adjust ang manirahan sa maliit na bahay, para sa pamilya Ylagan ay madali lamang ito, at hindi nga nagtagal ay nakasanayan na nila ito lalo na nga’t dati silang nangungupahan sa apartment. Makikita nga sa bahay bahagi ng bahay tulad ng munti nilang bedroom, kitchen at living room na talagang malinis at naka-organized ang bawat kagamitan.

Photo credits: smartparenting.com.ph

“We had one bedroom, a small kitchen, and a living area that also served as a play area in our rented apartment so the kids adjusted pretty well in our new home.”

Makikita naman na tanging mga importanteng gamit lamang ang nasa loob ng kanilang bahay. Sa ngayon naman, matapos ngang mapagawa ang bahay ay ipinapagawa naman nila ang extension sa likod ng bahay na magsisilbi namang dirty kitchen. At kapag naman nga nagkaroon ulit ng budget, ay nais naman nilang magpagawa ng extra room para sa mga bata.

Photo credits: smartparenting.com.ph

Payo naman ni Ayen sa mga nais magpagawa ng maliit na bahay na pasok sa budget na magresearch muna at hingin ang tulong ng mga professional, para ang pangarap na bahay para sa pamilya ay mabigyang katuparan.

error: Content is protected !!