Connect with us

Entertainment

Silipin ang mga Napakagandang Larawan ng Aktres na si Yassi Pressman Kasama ang Kanyang mga Alagang Ahas

Ang aktres na si Yassi Pressman ay isa sa hinahangaang aktres sa industriya ng showbiz dahil sa kanyang angking ganda at husay sa pag-arte. Magsimula nang pasukin ang showbiz, ay talagang ipinakita ni Yassi ang sariling kakayahan hindi lamang sa pag-arte, kundi pati na rin bilang isang mahusay na singer at dancer.




Mas lalo namang nakilala si Yassi nang mapabilang sa cast ng FPJ’s Ang Probinsyano at gumanap siya bilang Alyana kung saan ay katambal naman si Cardo sa katauhan naman ng aktor na si Coco Martin. Halos apat na taon na ngang magkasama sa trabaho sa teleserye sina Yassi at Coco.

Photo credits: ent.abs-cbn.com

Naging malapit nga sa isa’t isa at naging mabuting magkaibigan ang dalawa. Kaya naman, magkasundo rin sila sa maraming bagay. Katulad na lamang nga sa pag-aalaga ng hayop tulad ng ahas, ay naimpluwensyahan ni Coco si Yassi. Nagsimula ang lahat, nang bigyan si Coco ng birthday gift na ahas ng kanilang co-star na si Michael de Mesa.

Photo credits: ent.abs-cbn.com

Nang masilayan ang naturang hayop, ay nakatuwaan itong laruin ni Yassi, na animoy isang laruan lamang. Dahil dito, ay namanangha si Yassi sa nasabing ahas dahil nagagawa nitong buhayin ang kanyang takot at excitement ng sabay. Magmula nga noon, ay nagkaroon na rin ng interes si Yassi ng ahas.

Photo credits: ent.abs-cbn.com

Photo credits: ent.abs-cbn.com

Matatandaan nga nang makapanayam sa programang Tonight With Boy Abunda, ay kasama niya ang kanyang paboritong alagang ahas na si “Fluppy”. Si Fluppy ay isang ball phyton, isang uri ng ahas na walang venom. Isa rin itong albino kung saan ay mahilig rin mamalagi sa tubig.

Photo credits: ent.abs-cbn.com

Samantala, makikita na talagang gustong-gusto ni Yassi ang kanyang alaga, na talagang hinahawakan niya ito ng sarili niyang kamay at pinagapang pa niya ito sa stage. Ngunit, si Tito Boy na malaki ang takot sa ahas, ay dumistansya kay Yassi at sa alaga nitong si Fluppy habang kapanayam ang aktres.

Photo credits: ent.abs-cbn.com




Photo credits: ent.abs-cbn.com

Pagbabahagi naman ni Yassi, ay binili niya si Fluppy sa lehitimong veterinarian, kaya naman ligtas ang nasabing alaga ng aktres. Nagbigay rin si Yassi ng ilang kaalaman patungkol sa kanyang alaga. Ayon nga rito, ay wala umano itong kamandag, kung kaya’t hindi ito mapanganib. Dagdag pa ng aktres ay kaya rin umano nitong mabuhay hanggang 30 na taon.

Photo credits: ent.abs-cbn.com

Samantala, madalas magbahagi si Yassi ng kanyang napakagandang larawan sa social media kasama ang kanyang mga alagang ahas. At makikita nga na sanay na sanay na si Yassi sa presensya ng mga ito, kung saan ay hindi na siya natatakot na hawakan at yakapin ito. Hindi maitatanggi na masaya si Yassi sa pag-aalaga ng mga ahas, na makikita kung gaano niya kamahal.

error: Content is protected !!