Connect with us

Entertainment

Silipin ang Napakagandang Kwarto na Ipinapagawa ni Sofia Andres na may Classic at Eleganteng Disenyo

Natunghayan na natin ang mga kahanga-hangang house tour ng mga sikat na celebrities sa showbiz. Karamihan nga ay napapanood sa mga vlog ng mga artista ang pasilip nila sa kanilang mga tahanan. At hindi lamang nga ganda ang hatid nito, kundi naghahatid rin ito ng inspirasyon para kapulutan ng kaalaman o ideya sa disenyo ng bahay na nais ipagawa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by SOFIA (@iamsofiaandres)

Isa naman sa talagang pinakapaboritong bahagi ng bahay ng mga artista na madalas ipasilip ay ang kanilang bedroom. Hindi maitatanggi na karamihan nga sa kanila ay maaliwalas at malinis ang mga silid. Bukod sa magagandang disenyo na hatid mula sa talento ng interior designer, ay malaking tulong rin ang naiisip na concept ng kanilang kliyente para makamit ang nais nilang disenyo.

Isa nga sa mga artista na kamakailan lamang ay ipinasilip ang kanyang silid, ay ang aktres na si Sofia Andres. Pinapagawa pa lamang ang silid ng aktres kung kaya’t masaya siyang ibahagi sa kanyang mga tagasubaybay ang hitsura ng kanyang silid sa napili niyang concept o disenyo para dito.

Kahit nga kasalukuyang ipinapagawa ang kanyang kwarto, ay hindi maitago ng aktres ang excitement na mai-flex sa kanyang mga followers ang napakaganda lng silid na may classic at elegant design. Makikita nga sa room tour vlog na ibinahagi ni Sofia, na inilibot niya ang kanyang mga tagahanga sa bawat sulok ng kwarto.

 

Photo credits: Sofia Andres | Youtube

Unang ipinasilip ni Sofia ang kanyang Canadian kitchen na kung saan ay napakagandang pagmasdan dahil sa marble design nito na talagang paborito ng aktres. Binagayan naman ito ng kulay dark gray na mga cabinets.

Tila nga mahilig talaga sa marble si Sofia, dahil tulad ng disenyo ng kanyang kusina ay masisilayan rin sa walling ng kanyang comfort room ang marble design. Mas lalo namang pinaganda ang marble design dahil binagayan rin ito ni Sofia ng gold accent. Makikita na ang gold accent sa kwarto ni Sofia, maging sa faucet, shower, pati na rin ang mga ilaw na makikita rito.

“Basically, the design was more of fem classic design, and then for the accessory I think of some gold finishes that compliments Sofia’s personality,”ayon sa interior designer ng aktres.

Photo credits: Sofia Andres | Youtube

Photo credits: Sofia Andres | Youtube

Ibinahagi naman ni Sofia na dalawang taon na ang nakakaraan magmula nang simulan niya ang pagpapagawa sa kanyang kwarto, at ito nga ay noong buntis pa siya sa kanyang anak na si Zoe. At matapos nga ang dalawang taon, ay ngayon pa lamang ito matatapos.

“It’s been like two years na, buntis pa ko nun. Ngayon pa lang sya matatapos.”

Photo credits: Sofia Andres | Youtube

Naikwento rin ni Sofia ang hindi niya magandang karanasan sa nauna niyang interior designer, kung saan nga ay naghanap siya ng kapalit nito para makamit niya ang inaasam niyang disenyo ng kanyang kwarto. At sa tulong nga ng mahusay na interior designer niya ngayong si Karl Dioso, ay talagang masaya ang aktres sa nakikita ng resulta.

“I was really looking for a new interior designer, so I found him on Instagram – sabi ko I wanted to finish this na, at least this year.”

Ipinasilip rin ni Sofia ang kanyang malawak na walk-in clost na kasalukuyang ginagawa. May pasilip rin ang aktres sa kanyang sariling king size bed na may eleganteng disenyo. Isa naman sa pinakapaboritong bahagi ng kwarto ni Sofia ay ang kanyang malambot na green sofa.

error: Content is protected !!