Connect with us

Entertainment

Silipin ang Napakagandang Disenyo ng Ipapatayong Dream House ni Ivana sa Lupang kanyang Nabili para sa kanyang Ina

Si Ivana Alawi ay isang kilalang aktres sa industriya ng showbiz. Mas lalo namang nakilala si Ivana ng publiko sa kanyang mga nakakaaliw at puno ng inspirasyong mga vlog na mapapanood sa kanyang Youtube channel.

Isa nga si Ivana sa pinakasikat na vlogger sa bansa, kung saan ay talagang hinahangaan ang kanyang angking kagandahan at magandang hubog ng katawan. Ngunit, maliban dito ay labis ring hinahangaan ang ipinapakita niyang kabutihang loob sa kanyang pamilya, at mga taong nangangailangan.




Ang pagiging vlogger ni Ivana, ang nagdala sa kanya sa tagumpay at kasikatan. Talaga nga namang nakakatuwa ang mga content ng vlog ni Ivana, tulad na lamang nga ng mga prank sa kanyang pamilya, na naghahatid ng saya sa mga manonood. Nakakatuwa rin ang mga challenges na kanyang ginagawa. May mga mukbang ring contents si Ivana na talaga namang kinagigiliwan at marami pang iba, kabilang na rito ang kanilang masayang bakasyon sa magagandang lugar.

Matatandaan na minsan nang itinampok ni Ivana sa kanyang vlog, ang lupang binili niya upang pagtayuan ng pangarap niyang bahay para sa kanyang pamilya. Inamin rin ni Ivana na hindi siya gumagastos ng pera na mula sa kanyang kita sa Youtube. Ito nga ay dahil, inilalaan niya ang pera sa dream house niya para sa kanyang ina at pamilya.

At minsan nang ibinahagi ni Ivana ang nais niyang maging desinyo ng kanyang bagong bahay para sa kanyang pamilya. Nais nga niya ng modernong desinyo ng bahay.

Ito ay tatlong palapag na modernong bahay na may salaming disenyo sa harapang bahagi. Talagang yayamanin ang disenyo ng nais na bahay ni Ivana. May isa ring malaking swimming pool sa likurang bahagi ng bahay.

Photo credits: ArkiPeace | Youtube

Samantalang ang loob naman ng bahay, ay nais ni Ivana na may disenyo ng pinaghalong white at gold. Ito nga ay dahil, ito rin ang nais na disenyo ng kanyang Mommy Fatima. Ang interior design nga nito, ay hango sa mga Italian house design na mas pinaganda ng gold.

Ang napakagandang plano at disenyo ng bahay ni Ivana, ay idinisenyo ng UID Architect. Ngayon pa lang nga, ay makikita na kung gaano kaganda ang bagong bahay ni Ivana.

Photo credits: ArkiPeace | Youtube

Photo credits: ArkiPeace | Youtube

Photo credits: ArkiPeace | Youtube




Photo credits: ArkiPeace | Youtube

Ayon naman kay Ivana, ay pangarap niya na makapagtayo ng bahay para sa kanyang Mommy Fatima, at kanilang pamilya. At ito nga ay malapit nang maisakatuparan.

Photo credits: ArkiPeace | Youtube

Photo credits: ArkiPeace | Youtube

Photo credits: ArkiPeace | Youtube




Talaga namang kahanga-hanga ang kasipagan at pagsisikap ni Ivana, dahil ang bawat kinikita niya ay inilalaan niya para sa kanyang pamilya.

error: Content is protected !!