Connect with us

Entertainment

Silipin ang Napakagandang Bungalow House ng Aktor na si Piolo Pascual sa Los Angeles na Kanyang Binili Para sa Kanyang Ina

Isang napakagandang bahay ang binili ng aktor na si Piolo Pascual sa Los Angeles, California para sa kanyang mahal na inang si Amelia Pascual. Ito nga ay isang bungalow house na matatagpuan sa Diamond Bar, malapit na lugar sa Los Angeles, California, USA.

Credits: Instagram | Piolo Pascual

Ang bahay na ito ay may 3 bedrooms, at ang kabuuabg sukat ng bahay ay may lawak na 1200 sqm. Sadyang napakaganda ng bungalow house na ito ni Piolo na may sariling lawn, swimming pool, at may sariling cottage rin si Piolo na kanyang tutuluyan sa tuwing bibisita rito.

Samantala, noong una ay nagdalawang isip ang ina ni Piolo na si Mommy Amy na tumira sa biniling bahay ng aktor, dahil napakalaking investment ito na katas ng pagsusumikap anito sa trabaho. At nasanay na rin itong tumira sa 4-bedroom house na matatagpuan sa Monterey, Park. Sa huli ay nakumbinsi naman si Mommy Amy na tumira sa bahay na inilaan ni Piolo para sa kanya basta’t kasama ang mahahalagang bagay sa kanya.

Facade

Credits: Real Living

Sa harapang bahagi ng bahay ay makikita ang bakod nitong gawa sa bato na nagsisilbi ring boundary.

Living area

Credits: Real Living

Sa living area matatapuan ang three piece sala set na nabili noong 1999, na mula sa dating bahay ni Mommy Amy sa Monterey, Park. Makikita naman na kahit matagal na itong nasa pangangalaga ng ina ni Piolo ay maganda at maayos parin ang kondisyon nito. Masisilayan naman ang minimalist na disenyo sa living area kung saan mga importanteng furnitures lang ang makikita rito. Makikita naman rito ang isang Ivan Acuña abstract painting at family portrait ng Pascual na kinunan ni Raymund Isaac.

Dining Area

Credits: Real Living

Mula rin sa dating bahay ni Mommy Amy sa Monterey Park ang glass topped dining table na may 6 na upuan. Pinaganda naman ito ng replica ng obra ni Michelango na The Creation of Adam na makikita sa ceiling ng Sistine Chapel. Makikita ring nakadisplay dito ang collection ng mga crystal at porcelein ni Mommy Amy.

Kitchen Area

Credits: Real Living

Ang kitchen area naman ay may L-shape lay out kung saan ay malayang nakakagalaw si Mommy Amy sa bawat sulok sa tuwing maghahanda ng pagkain.

Bedroom

Credits: Real Living

Sa bedroom naman ay makikita ang disenyo ng paboritong kulay ni Mommy Amy, ang iba’t ibang klase ng shade ng purple. Makikita rito ang isang malaking TV at queen size bed. Ang ceiling fan naman ay may disenyong leaf shaped blade na nagbigay ng temang Africa-Safari.

Walk-In Closet

Credits: Real Living

Sa walk-in closet naman ni Mommy Amy makikita ang white couch, dresser at shelf na inilaan para sa kanyang doll collection. Sa nasabing area na rin makikita ang bathroom ni Mommy Amy.

Private Cottage

Credits: Real Living

Ang private cottage naman ay inilaan para kay Piolo sa tuwing bibisita siya rito.

Backyard

Credits: Real Living

Ang backyard naman ay nagsisilbing playground ng mga apo ni Mommy Amy. Makikita rin dito ang isang swimming kung saan ay pwedeng maligo anumang oras ang mga bata.

Veranda

Credits: Real Living

Madalas ring magbonding sa veranda ang mga apo ni Mommy Amy. Ito ay kalapit lamang ng backyard, kung saan makikita ang black couch na nakaharap sa isang malaking flatscreen TV.

error: Content is protected !!