Connect with us

Entertainment

Silipin ang Napakagandang Beach House ng Aktor na si Gabby Concepcion sa Lobo, Batangas

Si Gabriel Arellano Concepcion o mas kilala ng marami bilang si Gabby Concepcion ay isa sa hinahangaan at tinitingalang aktor sa industriya ng showbiz. Nagsimula si Gabby sa kanyang karera noong dekada 80, at sa tagal niya sa showbiz at dami ng kanyang mga nagawang proyekto, ay masasabi na isa na siyang batikang aktor.

Credits: Image by Google

Hindi na rin nakapagtataka na sa mahabang panahong pananatili sa industriya ng showbiz ay malayo na ang kanyang narating. Sa katunayan nga nito, maliban sa pagiging isang matagumpay na negosyante, ay marami rin siyang naipundar na ari-arian.

Isa nga sa naipundar ng 56 taong gulang na aktor na bunga ng kanyang pagsisikap sa showbiz, ay ang napakagandang beach house na matatagpuan sa Lobo, Batangas. Natupad na nga ni Gabby ang pangarap na magkaroon ng isang lugar kung saan siya makakapag-relax kasama ang kanyang pamilya.

Credits: Image by Google

At kamakailan lamang, ay ibinahagi ng aktor ang ganda ng pagmamay-aring beach house. Ayon sa panayam ng GMA network sa batikang aktor, ang kanyang pagmamahal sa tubig ang naging inspirasyon niya upang maitayo ang beach house. At ang desisyon na sa Batangas itayo ang pangarap niyang bahay bakasyunan ay dahil hindi ito gaanong malayo sa Maynila.

Samantala, hahangaan naman ang ganda ng disenyo ng beach house ni Gabby na talaga naman napaka-homey ang dating at nakakarelax. Ito ay gawa sa kahoy at kawayan na talaga namang bagay na bagay sa lokasyon ng lugar.

Credits: Image by Google

Sa entrance ng bahay ay bubungad ang mga boteng naka-display at may makikita ring mga paintings. Ang paborito namang bahagi ng bahay ni Gabby ay ang dining room kung saan madalas silang nagkakasama ng kanyang mga kaibigan.

Credits: Image by Google

Napakaganda naman ng tanawing masisilayan mula sa balcony ng beach house. Mula rito ay tanaw nga ang malawak na karagatan. Tiyak naman na makakapagrelax sa cozy bedroom ng beach house. At dahil nga, napapalibutan ng malawak na karagatan, ang naging libangan na ni Gabby habang nasa beach house ay ang mamingwit ng isda.

Credits: Image by Google

Hindi rin pinalampas ng mga kaibigan ni Gabby sa showbiz na mabisita ang malaparaisong lugar na ito na ipinagmamalaki ng aktor. Katulad na lamang nga ni Michael Flores na makikitang enjoy na enjoy habang sakay ng isang sailbot.

Credits: Image by Google

Tila nga natagpuan na ni Gabby sa kanyang napakagandang beach house ang hinahanap na kaligayahan. Napakasarap naman talaga manatili at mag-relax sa isang malaparaiso sa gandang lugar.

error: Content is protected !!