Connect with us

Entertainment

Silipin ang Napakagandang Bahay ng Pamilya ni Ina Raymundo na may Modern Rustic Design

Hindi maitatanggi na sa taglay na magandang mukha at kahanga-hangang kaseksihan ng aktres at celebrity mom na si Ina Raymundo, ay kabila siya sa listahan ng mga sikat na artista sa showbiz na humahakot ng maraming mga tagahanga.

Hindi rin naman maikakaila na sa pagpasok niya sa mundo ng showbiz, ay isa siya sa mga nangunang aktres na taglay ang kahanga-hangang husay pagdating sa pag-arte. Idagdag pa nga rito, ang matapang niyang mga pagganap sa mga seksi roles na kanyang ginampanan kung saan ang kanyang magandang hubog ng katawan ang siyang naging puhunan.

Wala ring duda na sa taglay na kagandahan at kaseksihan ni Ina ay nabihag niya ang puso ng kanyang asawang si Brian Poturnak. Ang kanilang matamis at puno ng pagmamahalang pagsasama ay biniyayaan ng limang mga anak. Sila ay sina Erika Rae, Jakob, Mikaela Jade, Anika at Minka.

Photo credits: Ina Raymundo | IG

Maliban naman sa pagiging isang mahusay na aktres, ay isa ring butihing magulang sa kanyang mga anak si Ina katuwang ang kanyang asawang si Brian. At ang hangad nga ng mag-asawa para sa kanilang mga anak, ay isang maayos at komportableng tahanan kung saan sila bubuo ng masasayang alaala.

Photo credits: Ina Raymundo | IG

Aminado naman ang aktres na bilang isang ilaw ng tahanan na nagpapalaki ng mga anak, ay naranasan na rin niyang magmistulang isang playground at sports center ang kanilang bahay. Maging ang kanilang living room ay naging isa ring art room sa dami ng makikitang sulat na gawa ng kanyang mga anak. Ngunit, ayon sa aktres, ay hinahayaan niya lamang ang gustong gawin ng kanyang mga anak dahil nais niyang mag-enjoy ang mga ito.

“I allowed them to do whatever they wanted at home. They turned our living room into an art room, playground, a sports center, etc…because I wanted them to have fun.”

Photo credits: Ina Raymundo | IG

Sa mabilis na paglipas nga ng panahon, na kung saan ang mga malilikot na bata noon, ngayon nga ay pawang mga dalaga at binata na. At kasabay nga nito, ay ang pagsasaayos rin ng kanilang bahay na kung saan ang dating art room ngayon nga ay isang napakagandang modern rustic home.

Photo credits: Ina Raymundo | IG

Dahil nga bago ang disenyo ng bahay ng kanilang pamilya, na kanyang ikinatuwa, ay masaya niya itong ipinasilip sa kanyang mga tagahanga. Sa Instagram, ay ibinahagi ni Ina ang isang video clip kung saan masisilayan ang bagong disenyo at napakagandang pagmasdang modern rustic home ng kanilang pamilya.

Pagpasok nga sa loob ng kanilang tahanan ay agad na sasalubong ang kanilang Den area kung saan makikita ang isang TV flat screen. At dito nga madalas magbonding at mag-enjoy ang kanilang pamilya sa panonood ng pelikula.

Photo credits: Ina Raymundo | IG

Photo credits: Ina Raymundo | IG

Makikita naman na katapat ng kanilang living room ang dining area kung saan agad masisilayan ang mahabang wooden dining table.

Photo credits: Ina Raymundo | IG

Kalapit naman ng dining area ang kanilang kitchen na sadyang napakalinis at organisadong tingnan.

Photo credits: Ina Raymundo | IG

Ilang hakbang naman mula sa dining area, ay patungo naman sa ikalawang palapag ng kanilang bahay.

Photo credits: Ina Raymundo | IG

Photo credits: Ina Raymundo | IG

Kahanga-hanga namang tanawin ang masisilayan sa labas ng kanilang living room na hatid ng magandang kapaligiran.

At dito nga ay talagang napakasarap magpahinga, at magrelaks habang nagkukwentuhan kasama ang kanilang pamilya.

error: Content is protected !!