Connect with us

Entertainment

Silipin Ang Napakagandang Bahay ng Aktres na si Jennylyn Mercado na Katas ng Kanyang Sipag at Tiyaga sa Showbiz

Marami na nga ang nakakakilala sa hindi lamang maganda, kundi napakaseksi ring aktres na si Jennylyn Mercado. At walang duda na isa siya sa pinakasikat na artista sa industriya ng showbiz na taglay ang kahanga-hangang talento sa pag-arte.

Credits: Jennylyn Mercado | IG

Unang nakilala si Jennylyn sa mundo ng showbiz matapos mapabilang sa unang season ng talent reality show ng GMA na StarStruck kung saan nga ay siya ang itinanghal na Ultimate Female Survivor. Magmula nga noon ay hindi na binigo ni Jen ang kanyang mga fans na ipakita ang kanyang natatanging talento hindi lamang sa pag-arte, kundi pati narin bilang isang mahusay na singer.

Sa mahabang panahong pananatili ni Jen sa industriya ng showbiz, ay hindi na rin nakapagtatakang marami na siyang naipundar na mga properties. At isa na nga rito ang kanyang napakagandang bahay na matatagpuan sa Quezon City.

Credits: Jennylyn Mercado | IG

Tulad ng ilang celebrities sa showbiz, ay kabilang rin si Jen sa mga sikat na nagbahagi na sa publiko ng kanilang napakagandang bahay na bunga ng kanilang pagsisikap upang maghatid ng inspirasyon. Ang napakagandang bahay na ito ni Jen na may dalawang palapag ay matatagpuan sa isang exclusive subdivision sa Quezon City.

Ang maaliwas, malinis at may napakagandang bahay na modernong disenyo ay swak na swak naman talaga para sa pamilya ni Jen. Tiniyak naman ng aktres na ang interior design ng kanyang modern house, ay masisilayan ang kanyang mga paboritong bagay, tulad na lamang ng pinagsamang kulay puting disenyo, at wooden design.

Credits: Jennylyn Mercado | IG

Ang loob ng 2-storey modern house ng aktres ay sadyang napakalawak kung saan nga ito ay may 4 bedroom, 1 guest room, 2 dining area at may family den pa. At makikita naman na komportable, napakalinis at maaliwalas ang loob ng tahanan ni Jen.

Credits: Google | Image

Ang dining area ng bahay ni Jen ay sadyang napakalawak at maaliwalas. Ang 10 seater dining table ay binagayan naman ng napakagandang disenyo ng chandelier. Sa living area naman ay makikitang nakadisplay sa left side ng wooden stairs ang isang grand piano at acoustic guitar. Tila naman napakasarap umupo sa beige couch na makikita sa sala ng bahay ni Jen.

Kompleto naman sa appliances ang kusina ng aktres tulad ng refrigerator at oven. Hindi naman na lingid sa kaalaman ng marami na hilig talaga ni Jen ang pagluluto. Kaya naman ang kitchen ang isa sa pinakapaboritong lugar ng aktres sa kanyang bahay.

Credits: Google | Image

May nakahanda ring guest room ang bahay ng aktres, at dito naman ay tiyak na magiging komportable ang kanilang bisita dahil may sarili itong bathroom. Sa den naman tumatambay ang pamilya ni Jen kapag nais nilang manood ng movie, o kaya naman ay magbonding ng magkakasama. May sarili ring silid ang anak ni Jen na si Jazz, at dito naman ay masisilayan ang iba’t ibang klaseng toys na maayos na nakalagay sa isang shelf.

Credits: Jennylyn Mercado | IG

Ang master bedroom na nagsisilbing silid ni Jen ay napakalawak at may sukat na 60 sqm. Makikita naman na may pagka-masculine ang disenyo ng master’s bedroom ni Jen. Dito nga makikitang nakasabit sa brick wall ang kanyang mga bike. May sarili ring walk-in closet ang aktres kung saan naman nakalagay ang kanyang mga damit, bag, sapatos at mga accessories. At makikita na ang bawat gamit ni Jen ay maayos na nakasalansan sa mga cabinet.

error: Content is protected !!