Connect with us

Entertainment

Silipin Ang Napakagandang Bahay Na Naipundar Ni Alice Dixson Sa Isla ng Boracay

Pinaunlakan ng aktres na si Alice Dixson ang kahilingan ng kanyang mga fans na masilip ang isa sa bunga ng kanyang pagsisikap. Ito nga ang kanyang napakaganda at napakalaking bahay na naipundar sa isla ng Boracay.

Kamakailan lamang nga, ay nagkaroon ng tour si Alice sa kanyang napakagandang bahay, upang masilip ng kanyang mga tagahanga. Ayon nga kay Alice, bagama’t isa siyang kilalang artista sa industriya ng showbiz ay itinuturing niya paring pribado ang kanyang buhay. Kaya naman, sa tuwing may ipinapakita siya sa publiko ay personal ang dating nito sa kanya.

Photo credits: Alice Dixson | Youtube

Photo credits: Alice Dixson | Youtube

Ipinasilip nga ni Alice ang kanyang naipundar na bahay sa Boracay na nagsisilbi rin niyang pangalawang tahanan. At sa kanyang vlog nga, ay ipinasyal ni Alice ang kanyag mga tagahanga sa kanyang bahay na bukod sa napakalaki ay napakaganda rin nito.

Photo credits: Alice Dixson | Youtube

Unang ipinasilip ni Alice ang malawak na garahe at recieving area kung saan makikita ang kanyang nakaparadang motor. Ayon nga sa aktres, ay hindi sila gaanong gumagamit ng kotse sa isla, dahil madalas na motorsiklo ang kanilang ginagamit sa isla.

Makikita naman ang isang napakagandang swimming pool bago pumasok ng bahay. At makikita na napakaganda rin ng lokasyon nito lalo na’t nakatapat ito sa araw. Sa pagpasok naman sa loob ng bahay ay bubungad ang dining area at pwesto kung saan naglalagi ang kanyang alagang aso. Ipinasilip rin ni Alice ang guest room na may napakagandang disenyo at napakakomportable rin ng dating.

Photo credits: Alice Dixson | Youtube

Ibinahagi nga ng aktres na madalas siyang mamalagi sa guest room dahil ito ang pinakatahimik na bahagi ng kanyang bahay. Ayon pa kay Alice, ay dito siya madalas maglaro ng computer games at dito rin niya inaayos ang kanyang sarili at naglalagay ng make up.

Photo credits: Alice Dixson | Youtube

Napakaganda naman talaga ng bahay ni Alice, at tila nga nasa isa siyang paraiso dahil sa kanyang balcony na nasa labas ng kanyang kwarto ay masisilayan ang tanawin na nagpapakita ng gandang taglay ng isla.

Photo credits: Alice Dixson | Youtube

Photo credits: Alice Dixson | Youtube

Nasilayan rin ng kanyang mga tagahanga ang napakagandang master’s bedroom na makikita rin na malinis ito. Sa kanyang master’s bedroom na may modern design, ay tiyak na nakakapagrelax at nakakapagpahinga si Alice.

Photo credits: Alice Dixson | Youtube

Photo credits: Alice Dixson | Youtube

Photo credits: Alice Dixson | Youtube

Photo credits: Alice Dixson | Youtube

Mapapanood naman sa huling bahagi ng video na dinala rin ni Alice ang kanyang mga viewers sa daan papunta sa isla at siyempre ipinasilip rin niya ang gandang taglay ng isla.

Napakapalad naman talaga ni Alice dahil ang bunga ng kanyang pagsisikap ngayon nga ay kanyang naeenjoy. Dahil sa kanyang naipundar na bahay sa isang malaparaiso sa gandang lugar, ay talaga namang nagagawa niyang mag-relaks anumang oras.

error: Content is protected !!