Connect with us

Entertainment

Silipin ang Napakagandang Bahay Bakasyunan ng Aktres na si Yassi Pressman sa Canada

Isa nga sa pangarap at talagang minimithing makamit sa buhay ng bawat isa sa atin ay ang magkaroon ng isang maganda at komportableng tahanan para sa ating pamilya. Kaya naman, ang mga sikat na celebrities sa showbiz, ay todo kayod para makabili ng lupa kung saan nila ipapatayo ang kanilang dream house.

Isa naman talaga itong napakagandang investment na mapapakinabangan ng mahabang panahon. Tinitiyak nga ng ilang sikat na artista sa showbiz, na ang kanilang kinikita sa trabaho ay may pinupuntahan. Maliban naman, sa pagpupundar ng isang napakagandang bahay para sa kanilang pamilya, ay isa rin sa kanilang pinaglalaanan ng oras at pera ang makapagpatayo ng isang bahay bakasyunan. Napakasarap naman talaga magbakasyon at magrelaks sa isang lugar na bukod sa tahimik at maaliwalas ay taglay rin ang napakagandang tanawin.

Kaya naman, hindi nagpahuli ang aktres at TV host na si Yassi Pressman na magpagawa rin ng kanyang bahay bakasyunan. Hindi naman maikakaila na kasabay ng kanyang matagumpay na karera ay ang unti-unting pagtupad ng kanyang mga pangarap sa buhay.

Maliban nga sa ipinapatayo niyang dream house, ay minsan na ring ibinahagi ni Yassi sa kanyang social media account, ang kanyang naipundar na bahay bakasyunan, dahilan nga para mas lalo siyang hangaan ng publiko. Tila nga nag-uumapaw ang biyayang natatanggap sa buhay ni Yassi, at wala naman itong duda dahil napakabuti at napakahumble rin ng aktres.

Sa kanyang Instagram account, ay ibinahagi ni Yassi ang larawan ng kanyang bahay bakasyunan sa Canada kung saan nga ay matatanaw ang napakagandang tanawin. Tiyak nga na mag-eenjoy at makakapag-relaks dito ang sinumang hangad ang isang masayang bakasyon at nais masilayan ang gandang hatid ng sunset. Idagdag pa nga rito ang ganda ng malawak na beach.

Samantala, tiniyak rin ni Yassi na ang disenyo ng kanyang bahay bakasyunan ay naaayon sa kanyang panlasa. At sa bawat bahagi nga ng bahay bakasyunan, ay makikita na pinag-isipang mabuti ng aktres ang disenyo nito na talagang angkop sa mga bakasyunistang hanap ay makapag-enjoy at makapag-relaks.

Makikita nga na may inilaang game room at cottage na may kasamang outdoor grill para sa mga nais magbakasyon sa napakagandang lugar. At kung hanap naman ay isang lugar kung saan tahimik at nais magmuni-muni ay may magandang spot rin sa nasabing vacation house. Tiyak nga na makakapagrelaks ng gusto habang nagkakape, kung ang matatanaw na tanawin ay tila nasa isang paraiso.

 

Kalakip naman ng mga larawan ng bahagi ng bahay bakasyunan ay inimbitahan ni Yassi ang kanyang mga followers, na maaari na itong rentahan ng mga nais magrelaks at magkaroon ng masayang bakasyon. Ang nasabing bahay bakasyunan ng aktres ay matatagpuan sa sa Lake Scugog, Ontario Canada.

“We just finished building our newest home in Lake Scugog, Ontario & now we’re opening it up to all of you on AIRBNB.”

error: Content is protected !!