Silipin Ang Napakagandang Bagong Tahanan Ni Maja Salvador sa Antipolo City

Marami sa atin ang naghahangad na magkaraoon ng isang elegante at maayos na tahanan. Masaya at masarap sa pakiramdam kung makapagpundar at makapagpatayo ng sariling bahay mula sa ating pagsisikap.

Pero wala ng mas hihigit pa kung makakatanggap ka ng regalo mula sa iyong mahal sa buhay lalo na’t isa itong bahay. Ganito nga ang ginawa ni Maja Salvador sa kanyang pamilya.

Si Maja Ross Andres Salvador o mas kilala bilang Maja Salvador ay isang aktres at modelong Pilipina. Kasalukuyan siyang may kontrata sa ABS-CBN at mas lalo pa siyang nakilala at hinahangaan sa kanyang pagganap sa teleseryeng “Killer Bride”. Bukod sa pag-arte ay may angking talento din siya sa larangan ng sayaw kaya naman tinagurian siyang ” Prinsesa ng Sayaw” sa ating bansa dahil sa husay at galing niya sa paghataw pagdating sa dance floor na talaga namang hinahangaan ng publiko.



Upang makatulong at mabigyan ng mainam na tahanan ang kanyang pamilya, pinagawan ni Maja ang mga ito ng isang bahay na matatagpuan sa isang subdivision sa Antipolo City. Ang bahay na ito ay nagsisilbing inspirasyon ni Maja upang mas lalo pa niyang husayan at pag-igihan ang kanyang trabaho.

Minabuti ni Maja na maging maaliwalas sa paningin ang magiging disenyo ng kanyang bahay. Sinigurado rin ni Maja na mayroong malawak at sapat na espasyo ang kanyang tahanan. Sa labas pa lamang ng kanyang tahanan ay kitang kita na ang pagiging elegante nito na may dalawang palapag kung saan sasalubong sayo ang ilang halaman na nagdudulot ng presyong hangin.

Pagpasok naman sa loob ng tahanan ay makikita kaagad ang kaayusan at kalinisin sa living room. Na may magandang kulay na kaaya-ayang pagmasdan. Makikita rin sa mga gamit na talagang elegante at mamahalin ang mga ito. Kalapit naman ng living room ang kanilang dining area kung saan sabay-sabay silang buong pamilyang magsalosalo sa pagkain.



Bago naman umakyat sa pangalawang palapag ay sasalubong sayo ang magandang disenyo ng hagdan na talagang pinag-isipan ang desinyo. Sa itaas na bahagi naman ay ang mga kwarto ng bawat miyembro ng pamilya. Mapapansin din ang hilig ni Maja sa mga bulaklak at halaman dahil halos bawat sulok ng kanilang tahanan ay mayroon nito.

Pinag -aralan at plinano ng mabuti ang paggawa ng bahay ni Maja para sa kanyang pamilya na talaga namang hinangaan ng publiko dahil sa angking kagandahan nito sa loob at labas. Dahil dito naging inspirasyon ito sa nakararami upang magsumikap sa buhay upang magkaroon rin ng isang elegante at magandang bahay.