Connect with us

Entertainment

Silipin ang Napakagandang 2-Storey House ng Aktres na si Jennylyn Mercado na Bunga ng Kanyang Sipag at Tiyaga

Talaga namang inspirasyon ang hatid sa atin ng ating mga iniidolong artista lalo na nga sa tuwing masisilayan ang kanilang mga naipundar na mula sa kanilang sipag at tiyaga.

Credit: Jen Mercado | Instagram

Marami na tayong natunghayan na magagandang bahay ng mga sikat na artista na talaga namang naggagandahan ang mga disenyo. May ilang bahay nga na animoy hindi makikita ang disenyo sa Pilipinas.

May ilan rin namang mas piniling magpatayo ng bahay sa probinsya para sa hinahanap nilang katiwasayan. At ang iba naman ay mas piniling bumili ng bahay sa syudad kung saan malapit ang kanilang trabaho.

Credit: RealLiving

Ang taglay naman na disenyo ng kanilang bahay, ay maaari nating kapulutan ng inspirasyon para sa ating mga dream house. Ang higit namang kahanga-hanga sa ating mga idolo, ay nagawa nilang tuparin ang kanilang pangarap na magkaroon ng sariling bahay sa pamamagitan ng kanilang sipag at tiyaga na sinamahan rin ng pagdarasal.

Isa na nga riyan ang sikat na aktres na si Jennylyn Mercado na minsan nang ipinasilip ang kanyang napakagandang bahay na may dalawang palapag at may modernong disenyo na matatagpuan sa Quezon City.

Credit: RealLiving | Image

Kung ating matatandaan nagsimulang mamayagpag ang karera ni Jennylyn matapos tanghaling grand winner sa reality talent show na Startruck sa unang season nito noong taong 2003 kung saan ay nakasama niya ang mahusay na dancer at aktor ngayon sa Kapuso Network na si Mark Herras.

Credit: RealLiving | Image

Si Jennylyn ang isa rin sa mga sikat na Kapuso stars na talaga namang taglay ang magandang mukha at seksing katawan. Idagdag pa rito ang husay niya sa pag-arte, at talento sa pag-awit ay talaga namang dapat siyang hangaan ng publiko.

Dahil nga sa kanyang pagsisikap sa industriya ng showbiz, bilang aktres, singer at iba pang raket ay talaga namang naisakatuparan na ng napakagandang aktres ang kanyang pangarap na magkaroon ng sariling bahay.

Credit: RealLiving | Image

Matatandaan nga na ibinahagi ni Jennylyn na noong taong 2014 nang magsimula siya maghanap ng kanyang sariling bahay sa tulong ng kanyang manager. At sa kabutihang palad nga, ay agad na nagustuhan ni Jen ang nakita nilang bahay na matatagpuan sa Quezon City.

Credit: RealLiving | Image

Sa unang beses pa lang na nakita ni Jen ang bahay ay agad na niya itong nagustuhan dahil sa maaliwalas at maluwang ito dahilan nga kaya binili niya agad. At para naman mas lalo pang pagandahin ang nabiling bahay, ay naghanap naman ang aktres ang interior designer para naman matupad ang ninanais niyang disenyo.

Credit: RealLiving | Image

Tila naman naman nasa panig talaga ni Jen ang swerte dahil mahusay ang nakuha niyang interior designer at nagawa nitong tuparin ang kanyang ninanais na disenyo para sa kanyang dream house.

Credit: RealLiving | Image

Samantala, ang napakagandang bahay na ito, ay hindi lamang bahay na maituturing para kay Jen, dahil ito rin ang nagsilbi niyang lucky charm.

Magmula kasi ng tumira si Jen sa napakaganda at modernong bahay na ito ay mas lalong bumuhos ang biyaya sa kanyang buhay at mas dumami rin ang mga proyekto sa kanyang karera.

Credit: RealLiving | Image

Ngayon nga na 32 taong gulang na si Jen, at mahigit isang dekada na sa industriya ng showbiz ay patuloy paring umaarangkada ang kanyang karera at nananatili sa tagumpay.

error: Content is protected !!