Connect with us

Entertainment

Silipin ang Napakaganda at Napakataas na Christmas Tree sa Loob ng Tahanan nina Jinkee Pacquiao na Puno ng Makukulay na Dekorasyon

Sa nalalapit na pagsapit ng araw ng pasko ay iba’t ibang paraan ang ginagawa ng marami upang ipagdiwang ang espesyal na okasyong ito na isang beses lamang sa isang taon nating mararanasan. Ang ilan nga ay hindi magkamayaw sa pagpapatugtog ng mga Christmas song at paglalagay ng makukulay na dekorasyon sa kani-kanilang tahanan.

Hindi rin mawawala sa loob ng ating tahanan tuwing kapaskuhan ang naggagandang Christmas tree. Sa tuwing masisilayan nga ang nakatayong Christmas sa loob ng ating tahanan, ay talagang mararamdaman ang diwa ng pasko na hatid ng makukulay nitong dekorasyon.




Noong nakaraang linggo lamang ay marami sa mga sikat na celebrities sa showbiz, ang ipinasilip ang kanilang naggagandang Christmas tree na may kahanga-hangang disenyo. At sa pagkakataong ito, ay hindi rin nagpahuling ipasilip ng maybahay ni Sen. Manny Pacquiao na si Jinkee Pacquiao ang Christmas tree sa kanilang tahanan sa General Santos city.

Sa Instagram account ni Jinkee, ay masaya niyang ibinahagi ang kanilang Christmas tree na bukod sa napakataas, ay napakaganda rin nito kung saan ay napapalamutian ng makukulay na dekorasyon. At para sa taong ito ay pink flamingo ang napiling tema ni Jinkee, kung saan ay talagang napakagandang pagmasdan.

Photo credits: Jinkee Pacquiao | Instagram

Mapapansin sa Christmas tree na ito’y may flamingo, na sinamahan naman ng puting swan, mga beads, ribbons, pearl ornaments at pink na bulaklak. Mas lalo naman itong pinaganda ng reindeer figurines na nakapwesto naman sa ibabang bahagi ng Christmas tree.

Hindi maikakaila na talagang malaki ang pagkahilig ni Jinkee sa kulay pink. At sa kombinasyon ngang pink at white ng Christmas tree, ay talagang napakaganda nitong pagmasdan, lalo na’t napakataas rin nito na halos maabot na ang ceiling ng bahay.

Dahil nga sadyang napakaganda ng dekorasyon ng Christmas tree sa tahanan nina Jinkee sa GenSan ay agad itong umani ng paghanga at positibong komento mula sa mga netizens.

“Love that tree soo much ?✨”

“Wow beautiful tree ?”

Napakasarap naman talagang ipagdiwang ang pasko lalo na kung masisilayan sa loob ng ating tahanan isang napakagandang Christmas tree. Ngunit, mas mahalaga pa rin na huwag mawala sa ating mga puso’t isipan ang totoong diwa ng pasko, ang magbigayan at magmahalan.




Photo credits: Jinkee Pacquiao | Instagram

Ngayong pasko nga, bagama’t maraming pagsubok ang ating pinagdaraanan, hindi tayo nawawalan ng pag-asa na ang pagsubok na ating hinaharap ay ating malalampasan. At sa darating na araw na pasko, ang ipagdiwang ito na kasama ang mga mahal sa buhay ng walang anumang sakit at malusog ang buong pamilya, ay isang napakalaking bagay na upang ipagpasalamat.

error: Content is protected !!