Connect with us

Entertainment

Silipin Ang Napakaganda At Napakalaking Bahay Ni John Estrada Na May Golf Course View At Swimming Pool

Ang aktor at komedyanteng si John Estrada ay kilala na sa industriya ng showbiz magmula pa noong dekada 90 at hanggang sa kasalukuyan ay patuloy na namamayagpag ang kanyang karera.

Hindi naman na maikakaila na sa tagal nang pananatili ni John sa industriya ng showbiz, ay marami na ang kanyang naipundar.

Kasabay naman ng matagumpay na karera ni John ay ang makulay niyang buhay pag-ibig. Unang ikinasal si John sa kanyang dating asawa na si Janice de Belen noong 1992 ngunit nauwi sa hiwalayan noong 2004. Ang kanilang pagsasama ay nagbunga ng apat na anak, sila ay sina Inah de Belen Estrada, Moira Estrada, Kaila Estrada at Yuan Estrada.

Samantala, muli namang umibig ang aktor sa kanyang longtime girlfriend Brazilian beauty queen na si Priscilla Meirelles, at ikinasal noong 2011. Ang kanilang pagsasama ay nagbunga ng isang anak, si Anechka.

Ang kanilang pamilya ay nakatira sa napakaganda at napakalaking bahay na naipundar ni John na matatagpuan sa Dasmariñas Cavite. Kahanga-hanga ang real estate property na ito ng aktor kung saan nga ay pinaganda ng moderno nitong disenyo. Bukod rito ay may napakaaliwalas rin itong espasyo. At dahil nga, isa rin itong open space ay agad na masisilayan ang taglay na ganda ng tanawin dito.

Ang ganda nga ng tanawing masisilayan dito, ay tiyak na magbibigay ng saya at kapanatagan ng pakiramdam lalo na nga’t tahimik rin ang lokasyon ng kanilang napakaganda at napakalaking tahanan. Makikita na ang bahay na ito ng aktor ay may naglalakihang glass window, kung saan matatanaw ang malawak na golf course at ganda ng tanawin na sakop ng kanyang property.

Isa rin sa agaw pansin sa bahay ni John ay ang napakaganda nitong swimming pool. At dito nga ay matatanaw ng malapitan ang malawak na golf course. Sa swimming pool madalas mamalagi ang mag-amang John at Anechka dahil isa ang swimming sa nagsisilbi nilang bonding moments.

Ang 2nd floor naman ng napakalaking bahay ay may sariling living room, at dito nga sila madalas magbonding ng kanilang pamilya. Kapag namamasyal naman ang mga kaibigan ni John sa kanilang tahanan, ay hindi pinapalampas ng mga ito na subukan ang maglaro ng golf sa malawak na golf course.

Talaga namang kahanga-hanga ang taglay na ganda at laki ng bahay na ito ng pamilya ni John. Hindi naman maikakaila na deserve ng aktor at ng kanyang pamilya ang manirahan sa isang napakaganda at napakalaking bahay, lalo na nga’t naipundar niya ito dahil sa kanyang sipag at tiyaga.

error: Content is protected !!