Connect with us

Entertainment

Silipin ang Napakaganda at Napaka Aliwalas na 2-Storey House ng Mag-asawang Pauleen Luna at Vic Sotto sa Laguna

Ang mag-asawang Pauleen Luna at Vic Sotto ay masayang naninirahan sa kanilang napakagandang bahay sa Laguna kasama ang kanilang anak na si Baby Tali.

Ang bahay na ito ng pamilya nina Bossing at Poleng sa Laguna ay kanilang ipinagawa habang naghahanda at nagpaplano ng kanilang kasal. Ipinagkatiwala naman ni Bossing ang lahat kay Poleng pagdating sa pagpapagawa ng bahay at disenyo nito.

Napakahands-on nga ni Poleng dahil tiniyak niyang may personal choice siya sa pagsasaayos ng bawat bahagi ng bahay. Sa katunayan nga nito, ay personal siyang pumupunta sa warehouse upang bilhin ang mga materyales na kinakailangan.

Hindi naman nagkamali ng desisyon si Bossing na ipagkatiwala kay Poleng ang lahat, dahil makikita naman talaga ang napakagandang resulta sa disenyo ng bahay nila ngayon. Dahil dito, ay hindi nga maitago ni Poleng ang kanyang kaligayahan matapos makamit ang nais na disenyo para sa kanilang dream house.

Photo credits: google.com

Sa tulong rin ng mahuhusay na architect at professional designer ay nakamit ni Poleng at Bossing ang napakaganda nilang bahay. Ito ay may kombinasyon ng tropical at modern design at sinamahan rin ng Asian Highlights. Bagama’t, si Poleng ang namahala sa lahat, ay may isang bagay namang hiniling si Bossing, ang magkaroon ng halaman at paintings sa bawat sulok ng bahay.

Ang kabuuan ng bahay, bukod sa maaliwalas tingnan ay sadyang napakalinis rin at nakaayos ang bawat kagamitan. Pagpasok pa lang sa loob ng bahay ay makikita na napakalawak na kapaligiran, na binagayan naman ng high ceiling. Malaya ring nakakapasok ang sariwang hangin, at may natural ring liwanag na nagmumula sa bintana sa labas ng bahay.

At tulad ng inaasahan ay makikita sa loob ng bahay ang mga naggagandahang mga obra na nakadisplay. Ang isang pader na puno ng iba’t ibang klase ng obra ay tribute sa National Artist for Visual Arts na si Arturo Luz. At ang paintings na pagmamay-ari ni Bossing mula rito ay umabot ng 30 piraso.

Sa living area ay talagang mararamdaman ang pagiging homey dahil sa contemporary design nito. Makikita rito ang komportableng kulay brown na sofa at isang dekorasyon tulad ng painting na obra ni Anastacio Pefaranda Austria.

Photo credits: realliving.com.ph

Photo credits: realliving.com.ph

Sa entertainment console naman makikita ang isang malaking TV at isang shelves kung saan naka-display ang mga awards na natanggap ng mag-asawa.

Photo credits: realliving.com.ph

May tatlong daan naman para agad na makarating sa dining area, ito ay dahil sa glass sliding door. Makikita naman dito ang isang narra dining table na likha ng local maker. Sa kusina naman ay masisilayan ang kalinisan at kompletong kagamitan at mga appliances.

Photo credits: realliving.com.ph

Photo credits: realliving.com.ph

Sa second floor naman matatagpuan ang mga bedrooms ng kanilang pamilya. May dalawang guest room ang napakalaking bahay na ito nina Bossing kung saan ay may sariling bathroom ang bawat silid.

Photo credits: realliving.com.ph

Photo credits: realliving.com.ph

Photo credits: realliving.com.ph

Sa veranda naman masisilayan ang napakagandang tanawin at ramdam rin dito ang sariwang hangin. Dito ay bubungad ang tanawin na hatid ng golf course sa kanilang subdivision.

Photo credits: realliving.com.ph

Makikita rin ang swimming pool sa ibabang bahagi nito.

Ang lanai area ay inilaan naman para sa masayang bonding ng kanilang pamilya. Tiyak na makakapag-enjoy at makakapagrelax ang pamilya Sotto rito.

Photo credits: realliving.com.ph

Makikita rin mula rito ang nag-aanyayang swimming pool na hindi lalampas sa 10 ft ang lalim ng tubig.

error: Content is protected !!