Connect with us

Entertainment

Silipin ang Napakaganda at Nakakakilig na Engagement Photoshoot ng Mag-fiancee na sina Luis Manzano at Jessy Mendiola sa Amanpulo, Palawan

Naghatid ng kilig sa kanilang mga tagahanga ang celebrity couple na sina Luis Manzano at Jessy Mendiola noong ika-12 ng Disyembre, matapos ianunsyo ang kanilang engagement.




Matapos nga ang apat na taong relasyon bilang magkasintahan ay inalok na ng kasal ni Luis, ang kasintahang si Jessy. Walang pagsidlan ng kaligayahan ang mag-fiancee sa milestone na ito ng kanilang buhay bilang paghahanda sa pag-aasawa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Pat Dy (@patdy11)

Sa mala-paraisong lugar naman ng Amanpulo sa Palawan, isinagawa ng dalawa ang kanilang engagement photoshoot na talaga namang napakagandang pagmasdan. Ginawa ito ng mag-fiancee upang ipagdiwang ang mahalagang kaganapang ito sa buhay nila.

Sa tulong ng mahusay na photographer na si Pat Dy, ay naisakatuparan ang nais na set up at kahanga-hangang larawan nina Luis at Jessy para sa kanilang engagement photoshoot. Gamit ang hashtag na #JessGotLucky, ay masayang ipinasilip sa Instagram nina Luis at Jessy, maging ng photographer na si Pat Dy ang kuha ng mga naggagandahang larawan sa naganap na engagement photoshoot.

Sa napakagandang tanawin na hatid ng puting buhangin, asul na karagatan at maaliwalas na kalangitan, ay tila napakaperpektong lugar ito para sa dalawang pusong nag-iibigan na tulad nina Luis at Jessy. Makikita nga sa bawat larawan na puno ng pagmamahal ang tingin nila sa isa’t isa.




Makikita nga na todo bihis sina Luis at Jessy habang ninanamnam ang presensya ng bawat isa sa malaparaisong lugar ng Amanpulo. Makikita rin sa bawat larawan ang kanilang kasweetan habang masayang naglalakad sa dalampasigan.

Sa isang larawan namang ibinahagi ni Jessy kung saan ay nakayakap ang aktres sa kanyang fiancee habang nakangiti, ay isang caption na puno ng pagmamahal ang kanyang inilaan.

“Starting a new chapter with the love of my life. We will never let anyone ruin our happiness. Love will always prevail.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Pat Dy (@patdy11)

Sa hiwalay naman na post kung saan masisilayan ang ganda ng malaparaisong lugar ng Amanpulo, at makikitang magkasama ang dalawa, ay ginamitan naman ito ni Jessy ng caption na mula sa mga kataga ni Kirk Diedrich.

“When you meet the one who changes the way your heart beats, dance with them to that rhythm for as long as the song lasts.” – Kirk Diedrich

Ayon naman sa ilang panayam kay Luis, ay noong nakaraang buwan pa ng Oktubre siya nag-proposed kay Jessy, ngunit ngayong buwan lamang ng Disyembre nagpasyang ilantad ito sa publiko. Samantala, nakatakdang ikasal ang dalawa sa susunod na taong 2021.

error: Content is protected !!