Connect with us

Entertainment

Silipin Ang Napakaganda At Mamahaling Mansiyon Ng Mag-asawang Jinkee at Manny Pacquiao sa Forbes Park Na P1.5 Billion Ang Halaga

Kilala si Manny Pacquiao bilang World Boxing Champion. At kasulukuyang naglilingkod sa bansa bilang senador sa loob ng limang taon. Sa kabila ng samu’t saring alegasyon tungkol sa pagka- senador at pagiging sosyal ng kanyang asawang si Jinkee Pacquiao patuloy pa rin ang kanyang pag-abot ng tulong sa mga nangangailangan.

Photo Credits: Jinkee Pacquiao| IG

Alam naman nating lahat ang naging hirap at patitiyaga ni “PacMan” hanggang sa makamit niya at ng kanyang pamilya ang marangya buhay. At ito nga ay dahil sa dugo’t pawis na naging puhunan niya sa loob ng ring.

Nakakalula naman talaga ang angking kayamanan ng pamilya Pacquiao. Ayon sa Daily Inquirer, ang 41 taong gulang boxing champ ay merong PHP 3.072 billion na nagprepresenta bilang 46% ng kanyang total net worth sa kanyang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) sa taong 2016. Ito ang naging dahilan upang ihirang syang pangalawang pinakamayaman na senador ng bansa kasunod kay Senator Cynthia Villar.

Photo Credits: Jinkee Pacquiao| IG

Sa 100 real-state properties na nagkakahalagang PHP 1.569 billion kabilang ang Frobes Park Mansion na may halagang PHP 338 million. Maliban pa riyan ang cash, jewelries, at iba pang personal na pag-aari na ang halaga ay nasa PHP 1.60 billion bilang ika-43% ng total net worth.

Ang pitong porsyento naman ay para sa mga investment sa iba’t ibang klaseng negosyo. Ang natitirang 4% sa kabuuan ng 100% ay nasa mga sasakyan nakalagak.

Photo Credits: Jinkee Pacquiao| IG

Isa naman sa ariarian ng pamilya Pacquiao ang mansiyon sa Forbes Park na may nakakalulang halaga. Ang nasabing mansiyon ay regalo ni Manny sa kanyang asawang si Jinkee bilang peace offering ng taong 2017. Pagkatapos nilang kapit bisig na mapagtagumpayan ang lahat ng hamon sa bubay.

Ang aral ni PacMan sa taong nabanggit ay ang pagbibigay pukos at halaga sa pamilya at asawa. Higit sa lahat ang pinakamagandang nangyari sa buhay ni Pacquiao sa parehong taon ay ang makilala ang Diyos bilang Panginoon at Tagapagligtas.

Photo Credits: Jinkee Pacquiao| IG

Ayon naman sa ulat ang mansiyon na ito, ay dating pag-aari ng isang banker na si Lorenzo Tan at ang architect naman ay si Anton R. Mendoza. May lawak itong 2,000 square meter, pa esktrakturang J-shaped.

Ang lawak ng floor area ay 1,525 sq may limang kwarto, pitong silid palikuran at apat na garage. Ang Forbes Park Mansion ay gawa sa kahoy, bato at salamin kung saan hindi na nakakapagtaka kung ganoon ang halaga. Taong 2018 ng magpasyahang iparenovate ng mag-asawa ang mansyon.

Photo Credits: Jinkee Pacquiao| IG

Pagkalipas lamang ng mahigit isang taon ay lumipat na ang pamilyang Pacquiao sa mansion. Pagpasok pa lamang ay makikita na ang garbong pinto at mga kasangkapan.

Ang anteroom o silid hintayan ay napaka aliwalas, literal na welcome ang bawat bisita. May napakalawak ng kusina at hapag kainan na tinuturing bilang teritoryo ni Jinkee ay matatagpuan sa ika-dalawang palapag. May two door refrigerator ito at labing apat na seats.

Photo Credits: Jinkee Pacquiao| IG

Sa hallway naman ay makikita ang mga mamahalin at artistic na obra nina Arturo Luz at Benedicto Reyes Cabrera o mas kilala bilang Bencab. May sarili rin itong home theater na may branded reclining leather seats na magbibigay na karanasang cinema. Hindi naman mamawala ang pool at garden. Ang disensyo ng pool ay kalahating indoor at kalahating outdoor.

Photo Credits: Jinkee Pacquiao| IG

Naibabalita rin ang pagiging plantita ni Jinkee kung kaya’t ang harden ay malaparaiso sa ganda. Higit sa lahat ang pinakamahalaga at nais malaman ng lahat ay kung gaano kagarbo ang kanilang master’s bed room. Sa loob nito ay may sarili-sariling bathroom and closet ang mag-asawa.

Photo Credits: Jinkee Pacquiao| IG

Ang bawat pasamano ay napaka detalyado at talagang nakakamangha. Napakakomportable nga namang manirahan sa Forbes Park Mansion dahil ang lahat na kailangan ay naroroon na.

error: Content is protected !!