Connect with us

Uncategorized

Silipin Ang Napakaganda At Maaliwalas Na Tahanan ng Aktres Na Si Kris Aquino

Kilala na ng publiko ang aktres at tinaguriang Queen of All Media na si Kris Aquino, hindi lamang bilang isang mahusay na aktres kundi isa ring kilalang TV host. Hindi naman maikakaila na namumuhay sa marangyang buhay si Kris at ang kanyang dalawang anak na sina Bimby at Josh.

Credits: Kris Aquino | YT 

Sa katunayan nga nito, ay nanirahan ang mag-iina sa iba’t ibang condominium sa lungsod. Ngunit, kamakailan lamang nga ay nagpasya si Kris na manirahan sa isang napakaganda at maaliwas na bahay na kanyang ipinasilip sa isang vlog kasama ang kanyang anak na si Bimby.

Sa front door pa lamang nga ng bahay ay masisilayan na ang ganda nito. Makikita na paboritong kulay ni Kris ang kanyang ipinalagay na disenyo sa front door. At ayon pa nga kay Kris, ay mabuti na lamang na pumayag ang kanyang two boys, na ito kanyang ilagay na disenyo.

Credits: Kris Aquino | YT 

Pagsapit naman sa dining area, ay makikita rito ang puting dining table kung saan ay may magandang carving. Makikita rin dito ang isang malaking flat screen TV na kung saan ay konektado agad sa YouTube. Kapansin-pansin naman ang kalinisang masisilayan sa dining area.

Samantala, may nakalaan ring beauty room si Kris para sa kanyang sarili. Dahil nga isang kilalang personalidad sa showbiz kung saan hindi nauubusan ng proyekto, ay kinakailangan ni Kris na laging nakaayos para sa kanyang trabaho. Kaya naman, imbes na magpasalon para magpamake-up o magpaayos ng buhok, ay nagpasadya na siya nito sa loob ng kanilang bahay. Dito nga makikita ang isang shampoo bowl, mga aparador na nagsisilbing lagayan ng iba’t ibang produkto sa pagpapaganda. Ngunit, ayon kay Kris ay ginawa na rin niyang study area ni Bimby ang beauty room dahil kapag kailangan na siyang ayosan ay hindi pa raw tapos sa kanyang home schooling ang kanyang anak.

Credits: Kris Aquino | YT 

Agaw-pansin naman ang ganda at laki ng swimming sa bahay ni Kris. Sa ganda nga nito, ay tila nag-aanya ito sa mga nais maligo. May makikita ring hot tub sa bahay ni Kris kung saan nga ay paborito rin nilang gamitin lalo na kung gabi dahil sa gandang hatid ng iba’t ibang kulay ng ilaw nito.

Credits: Kris Aquino | YT 

Magkasama naman sa iisang silid sina Bimby at Josh. Maliban nga sa dalawang single bed na makikita dito, ay may sarili ring walk-in closet ang kanilang silid kung saan nakatago ang napakarami nilang damit at kagamitan. May sarili ring banyo ang silid nina Bimby at Josh na may bathtub na kung saan ay may locker-room inspired design.

Sa entertainment area ay tiyak na mag-eenjoy ang mag-iina dahil makikita rito ang isang malaking TV at mga video game machine. At kung sakali mang makaramdam ng gutom habang naglalaro, ay may nakahanda ring mga pagkain dito.

Credits: Kris Aquino | YT 

Hahangaan naman ang ganda, linis at aliwalas ng kitchen area ng bahay ni Kris. Mapapansin nga na nakaayos ng mabuti ang bawat kagamitan sa kanilang mga lagayan. Makikita rito ang mga appliances gaya ng refrigerator. May aparador rin dito kung saan nakalagay ang koleksyon ng kanyang tea cups, at magagandang gamit sa pagluluto.

error: Content is protected !!