Connect with us

Entertainment

Silipin ang Napakaganda at Maaliwalas na Gym ng Aktres na si Bea Alonzo sa Loob ng Kanyang Tahanan

Napakahalagang ingatan at pangalagaan ang kalusugan at katawan ng bawat isa, lalo na ngayong panahon ng pandemya dahil sa kumakalat na mga sakit. Maliban sa pagkain ng mga masusustansiyang pagkain, ay kinakailangan ring mag-ehersisyo upang maging malakas at malusog. At ito ay kadalasang ginagawa sa mga gym, ngunit dahil nga sa pamdemya, ay sarado ang mga gym ngayon.

Credits: Bea Alonzo | Youtube

Kaya naman, ang mga sikat na celebrities sa showbiz, ay may sariling gym sa kanilang mga tahanan upang hindi na kailangan pang lumabas ng bahay para mag-ehersisyo.

Katulad na lamang nga ng aktres na si Bea Alonzo na may sariling gym sa kanyang bahay. At kamakailan lamang, ay kanya itong ipinasilip sa kanyang mga tagahanga sa kanyang latest vlog.

Credits: Bea Alonzo | Youtube

Sa nasabing vlog na kanyang ibinahagi nito lamang ika-22 ng Mayo, ay inilibot ni Bea ang kanyang mga viewers sa kanyang newly renovated gym. Ayon kay Bea, ang gym niya ngayon sa loob ng kanilang tahanan ay dating family room ngunit dahil nga, hindi naman masyadong ginagamit ay nagpasya siyang gawin itong mas kapakipakinabang, at ngayon nga ay isa na itong gym na talaga namang malaking bagay para sa kanya.

Sa paglilibot ni Bea sa loob ng gym, ay kanyang ipinakita ang iba’t ibang gym equipment na gamit sa pag-eehersisyo, at kanyang ipinaliwanag rin ang kahalagahan ng mga ito. Ilan sa mga gym equipment na makikita rito ay squat machine treadmill, punching bag, weights, exercise bike at marami pang iba.

Credits: Bea Alonzo | Youtube

May makikita ring TV sa gym, upang mas ganahan siyang mag-ehersisyo. Sa isang sulok ng gym naman ay may makikitang bar table at stool, kung saan pwede siyang mamahinga pansamantala habang nag-eexercise. Napakaganda naman ang pailaw sa gym na kung saan ay maaaring mabago ang kulay base sa vibe na gusto. Ito ay maaaring i-connect sa cellphone para macontrol at mapili ang nais na kulay.

Sa pagbukas naman ng pinto na kalapit ng gym, ay bubungad ang mini studio ni Bea. Ang wall nito ay napapalibutan ng salamin, at dito madalas mag-yoga ang aktres. Nilagyan naman niya ang ilang bahagi nito ng mga halaman bilang disenyo at upang mas maging relaxing ang loob ng kanyang mini studio.

Credits: Bea Alonzo | Youtube

Sadyang napakaganda at maaliwalas nga ang gym at mini studio ni Bea sa loob ng kanyang tahanan. Dahil nga, may sariling gym sa bahay ay nagagawa niyang mapanatili ang kanyang fit and healthy body.

error: Content is protected !!