Connect with us

Entertainment

Silipin Ang Napaka Gandang Mansyon Ng Aktor Na Si Piolo Pascual Sa Las Vegas Nevada

Published

on

Hindi maikakaila na isa ang Kapamilya heartthrob na si Piolo Pascual o Papa P sa mga sikat at respetadong personalidad sa local entertainment industry.

Sa dami nga kanyang mga sikat na programa sa telebisyon, mga high grossing movie projects at isama mo pa ang kanyang sangkatutak na endorsements, talaga namang hindi na nakakagulat kung makapagpundar ang aktor ng mga magaganda at mamahaling real estate property dito at maging sa ibang bansa.

Isa na nga rito ay ang agaw-pansin niyang 260 square meter na mansyon na matatagpuan sa North America sa Las Vegas, Nevada. Ang mas nakakatuwa pa nga ay dinesenyo di umao ito ng kanyang kapatid na si Patricia.



Nagpaunlak din ang ating “Ultimate leading man” na ipasilip ang kanyang naturang mansyon na talaga namang simple ngunit napaka elegante mula sa labas hanggang sa loob.

Mapapansin sa mga larawan sa social media na walang gate ang kanilang garahe na kagaya ng karamihan sa mga disenyo ng mga bahay sa Amerika.

Pgpasok mo naman sa entrance ay bubungad sa’yo ang living area ng aktor na sinadyang gawin simple pero super homey. Puti ang kulay ng mga dingding na sinamahan niya ng brown seating pieces na talaga namang nakadagdag sa relaxing vibe sa sala ng kanyang Las Vegas mansion.



Samantala, sa dining area naman ay pinili ni Papa P ang kulay asul na dingding na nagmatch naman sa disenyo ng kanyang 6-seater glass dining table. Sa itaas nito ay makikita na nakasabit ang isang classy chandelier.

Sa entertainment area naman ng kanyang bahay ay mayroong kulay itim na sectional sofa at dalawang heart-shaped na upuang kulay pula. Ayon sa balita, ito di umano ang paboritong tambayan ng pamilya ni Papa P.



Isa pa nga sa talaga namang pumukaw ng pansin ng mga fans at followers niya ay ang kanyang malawak at sosyaling pool area na di sinadyang nagkaroon ng hugis na kawangis ng isang teddy bear.

Marami naman ang lalo pang humanga kay Papa P dahil bukod pa sa taglay niyang galing sa industriyang kanyang kinabibilangan ay siper wais din niya pagdating sa pagiinvest ng kanyang hard earned money.

error: Content is protected !!