Connect with us

Entertainment

Silipin ang Napaka Gandang 5-Star Hotel Inspired House ng Aktor na si Derek Ramsay

Marami na nga ang mga Pinoy Celebrities ang ipinasilip ang kanilang naggagandahang bahay sa pamamagitan ng kanilang mga house tour vlog na mapapanood sa kanilang YouTube Channel. Dahil nga, talagang ipinapakita nila ang bawat sulok ng kanilang tahanan na kung saan may mga kahanga-hangang disenyo, ay nagkakaroon tayo ng ideya sa pagpapagawa at pagsasaayos ng bahay. Isa ring inspirasyon ang hatid ng mga iniidolo nating artista sa tuwing masisilayan natin ang bunga ng kanilang pagsisikap.



Kung house tour lang din ang pag-uusapan, ay hindi nagpahuli ang celebrity couple na sina Derek Ramsay at Andrea Torres na ipasilip sa kanilang vlog na mapapanopd sa kanilang Youtube channel na “Andrek Vlogs”, ang napakaganda nilang tahanan na mala-hotel sa ganda at may modernong disenyo.

Photo credits: Andrek Vlogs | Youtube Channel         

Sa pamamagitan nga ng dalawang bahaging video na mapapanood sa kanilang Youtube Channel, ay masayang inilibot nina Derek at Andrea ang kanilang mga tagahanga sa loob ng kanilang bahay. Ito nga ang unang pagkakataon na masisilayan ng publiko ang kanilang napakagandang tahanan.

Magmula nga sa 1st floor hanggang sa pinakataas ng kanilang bahay ay idinetalye ni Derek ang bawat bahagi at sulok ng kanilang tahanan, kabilang na nga rito ang mga kagamitan at dekorasyong makikita sa loob nito.

Pagpasok pa lang sa loob ng tahanan nina Derek ay mapapa-wow na ang mga bisita sa lawak at laki nito. Sasalubong na agad ang napakaaliwalas na living room na kung saan ay napakaganda ng pagkakaayos ng bawat kagamitan, na talagang pinag-isipang mabuti. Sa labas naman ng glass window ay matatanaw ang ganda ng swimming pool at lanai area.

Photo credits: Andrek Vlogs | Youtube Channel

Photo credits: Andrek Vlogs | Youtube Channel

Photo credits: Andrek Vlogs | Youtube Channel



Photo credits: Andrek Vlogs | Youtube Channel

Ayon naman kay Derek, ang 1st floor ang nagsisilbing lugar para sa kanyang pamilya, samantalang ang 2nd floor naman ay nakalaan sa kanilang mga bisita. Ang 2nd floor kasi ay pinasadya ng aktor bilang entertainment area kung saan dito nila kadalasang dinadala ang kanilang mga bisita.

Photo credits: Andrek Vlogs | Youtube Channel

Photo credits: Andrek Vlogs | Youtube Channel

Photo credits: Andrek Vlogs | Youtube Channel

Maliban nga sa ganda ng disenyo ng bahay, ay kapansin-pansin rin ang mga naggagandahang artworks na makikita sa loob ng tahanan. Ito nga ay mga obra ng mga local artists tulad na lamang nina Dominic Jenon at Jinggoy Buensucesco. Maging ang mga furniture na ginamit ay tagang napakaganda at kakaiba ang mga disenyo.
Ipinakita rin ni Derek ang Juniors master bedroom na inilaan niya para sa kanyang mga magulang.

Photo credits: Andrek Vlogs | Youtube Channel

Ito nga ay dahil nais ng aktor na makasama ang mga magulang na manirahan sa kanilang tahanan. Napakaganda rin ng tanawing masisilayan sa labas ng silid na talagang nakakapag-relax. Dahil nga may edad na ang mga magulang ni Derek, naglaan rin siya ng elevator para sa mga ito.

Photo credits: Andrek Vlogs | Youtube Channel

Ipinasilip rin ng magkasintahan ang bawat silid, kasama na nga rito ang masters bedroom na napakalawak at may mga kahanga-hangang dekorasyon. Masisilayan nga ang pagiging “manly” sa tahanan ni Derek na sumasalamin sa kanyang personalidad.



Photo credits: Andrek Vlogs | Youtube Channel

Samantala, sa part 2 ng house tour naman ibinahagi nina Derek ang entertaining area o ang pinaka-hang out area. Dahil nga, hindi umano mahilig lumabas si Derek, ay nagpasadya na siya sa kanilang bahay ng mga bagay na maaaring gawin sa loob ng tahanan tulad ng isang gym. Kung maganda na ang tanawing masisilayan sa ibabang bahagi ng bahay, mas nakakamangha naman ang gandang hatid ng tanawin sa roof deck katulad ng Mt. Makiling at Tagaytay.

Sa garahe naman, masisilayan ang mga kahanga-hangang luxury cars ni Derek. Maging ang garden area ay ipinakita rin ng aktor. Dito naman makikita ang mga luntiang halaman na nagdagdag kagandahan sa kanilang napakalaking bahay.

error: Content is protected !!