Connect with us

Entertainment

Silipin ang Nakakakilig na Prenup Photoshoot ng Mag-fiancee na Sina Empress Schuck at Vino Guingona

Sadyang napakapalad ng dating aktres na si Empress Schuck sa piling ng kanyang fiancee na si Vino Guingona. Hindi naman talaga maikakaila kung gaano kamahal ni Vino ang ina ng kanyang anak na si Athalia. Magmula nga nang mag-propose si Vino kay Empress sa mismong 5th birthday ng kanilang anak noong nakaraang Setyembre, ay sunod-sunod na ang mga bagay na nagbibigay kaligayahan sa dating aktres.




Matatandaan na nitong nakaraang linggo lamang, nang surpresahin si Empress ng kanyang pamilya at mga kaibigan ng isang bridal shower na muling nagpaiyak sa kanya. Makikita rin na talagang sinuportahan siya ng mga taong nagmamahal sa kanya.

Hindi nga matumbasan ang kaligayahang nadarama ni Empress sa magagandang bagay na nangyayari sa kanya. At nito lamang ngang ika-20 ng Pebrero, araw ng Sabado, ay ibinahagi naman ni Empress ang nakakakilig na prenup photoshoot nila ni Vino.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Vino (@vinoguingona)

Hindi na nga mapipigilan pa ang pag-iisang dibdib ng dalawang pusong nagmamahalan na sina Empress at Vino. Bilang paghahanda sa kanila pag-iisang dibdib, ay isang napakaganda at nakakakilig na prenup photoshoot ang kanilang isinagawa na isinakatuparan ng Nice Print Photography.

Sunod-sunod ang naging post sa Instagram ng Nice Print ng mga larawan ng mag-fiancee na talaga nga namang kitang-kita ang saya sa kanilang mga mata. Masisilayan rin sa mga larawan ang kasweetan nina Empress at Vino, na puno ng pagmamahal sa isa’t isa. Lalo naman itong pinaganda ng tanawin na nagmumula sa sinag ng araw.




β€œSun kissed! πŸ’™πŸ’™ Beautiful couple Vino Guingona and Empress Schuck πŸ’™πŸ’™ #niceprintesession.”

Sa Instagram naman ni Vino, kung saan ibinahagi ng dating modelo ang kanilang sweet photo ni Empress, ay ipinaabot niya ang kanyang pagbati sa kaarawan ng kanyang soon to be wife.

β€œHappy Birthday to my Beautiful Bride. I love you 😘 @itsempressita”

Samantalang ang VanMercado Instagram page naman, na kung saan ay ginamit na kasuotan nina Empress at Vino sa kanilang prenup photoshoot, ay nagbahagi rin ng larawan ng mag-fiancee. At talaga nga namang napakaganda ng kuha ng bawat larawan sa kanilang mga suot, na bumagay sa lugar kung saan tanaw ang kahanga-hanga sa gandang mga tanawin.

Bagama’t, wala pang ibinibigay na detalye si Empress sa eksaktong date ng kanilang kasal, ay nakakatiyak naman na malapit na itong maganap, dahil talagang inaabangan ito ng kanilang mga tagahanga.

error: Content is protected !!