Connect with us

Entertainment

Silipin ang Nakakakilig na Anniversary Trip ng Real-Life Couple na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa Thailand

Muling kinilig hindi lang ang kathniel fans pati narin ang social media sa mga lumabas na larawan ng naging bakasyon ng real life couple na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa Bangkok, Thailand.

Photo credits: Kathryn Bernardo | IG

Matatandaan na last week lumipad patungong Bangkok si Kathryn kasama ang kaibigan nitong si Alora Sasam na naging co-star ni Kathryn sa naging netflix hit series nilang The House Arrest of Us.

Naging masaya ang bonding ng magkaibigan sa Siyudad ng Bangkok Thailand, habang ang boyfriend naman ni Kathryn na si Daniel ay naiwan sa manila para lumahok sa ginanap na Star Magic 30th All Star Games.

Ibinahagi naman ng aktor na si Daniel Padilla na naka schedule narin ang kanyang flight para sundan si Kathryn sa Bangkok Thailand at pagklaklaro ng aktor na ang vacation trip na ito ay hindi lang basta basta bakasyon kundi isa itong espesyal na trip nilang dalawa upang ipagdiwang ang kanilang decade-long relationship. Last Monday, May 23 lumipad si Daniel para sundan si Kathryn sa Bangkok.

Sa latest post ni Kathryn sa kanyang instagram account last May 25 nagbigay ng dedicated sweet post ang aktres sa kanyang longtime boyfriend kalakip ang kanilang mga larawan habang eneenjoy ang mga sandali na magkasamang nagbabakasyon sa Thailand. Mula sa Capitol ng Bangkok, bumyahe ang magkasintahan papuntang Chiang Mai ang pinakamalaking syudad sa nothern Thailand kung saan bumyahe sila sakay ng eroplano sa loob ng isang mahigit kumulang isang oras.

Sa sweet post na ibinahagi ni Kathryn makikita na nasa isang elephant sanctuary sila kung saan nagkaroon sila ng oportunidad na pakainin, laruin at paliguan ang mga baby elephant.

โ€œCelebrated our special day in the most unforgettable way possible and enjoyed every minute of it.

โ€œYou know how much this trip means to me and how much I looove elephants, so without a question, you agreed to do this again with me right away. All you said to me was โ€˜kahit san mo gusto love, susunod ako after ng trabaho ko.โ€™

โ€œThank you for making time for this trip, my love! Thank you for always making sure I feel loved and appreciated. Looking back on our 10-year journey together, I find myself smiling with so much pride. Because we did it… We did it, love! True love exists. Someone like you still do exist.

I love you so much. Happy 10th anniversary to my person!โ€ Pagbabahagi ni Kathryn sa kanyang post.

Talagang madami ang kinilig sakanilang mga larawan, at mas madami pa ang nagaabang sa kung ano ang susunod na mangyayari sa kanilang relasyon, umaasa ang karamihan sa kanilang mga fans na parating na ang excitement part ng relasyon ng dalawa.

error: Content is protected !!