Connect with us

Entertainment

Silipin ang Nakakagigil na Kakyutan ng Bunsong Anak na ng Mag-asawang Patrick Garcia at Nika Garcia na si Baby Pablo

Ang mag-asawang Patrick Garcia at Nika Garcia ay ikinasal noong March 2015, at nitong taon lamang ay ipinagdiwang nila ang kanilang ika-anim na taong anibersaryo bilang mag-asawa. Sa loob ng anim na taong pagsasama ay napuno ito saya at pagmamahalan na hatid ng kanilang mga anak na ngayon ay apat na.

Credits: Nikka Garcia | IG

May tatlong anak na babae na sina Nika at Patrick, sila ay sina Michelle na pangangay ng mag-asawa at 7 taong gulang na ngayon, Nicole na 4 years old at si Pia na w years old. At nitong nakaraang buwan ng Hulyo lamang nga, ay masayang-masaya ang mag-asawang Patrick at Nika matapos silang pagkalooban ng isang lalaking anak. At ito nga si Baby Pablo na kanilang bunsong anak na ligtas at malusog ni Nika. Ang kanilang bunsong ay itinuturing ng mag-asawa na answered prayer lalo na nga’t nakatatlo na silang anak na babae, at ang pang-apat nga ay isang lalaki ang ipinagkaloob sa kanila.

Credits: Nikka Garcia | IG

Matatandaan na noong Enero 8, 2021 nang ianunsiyo ng mag-asawang Patrick at Nika na sila’y biniyayaan ng baby boy. At ito nga ay ibinahagi ng celebrity couple sa publiko sa pamamagitan ng kanilang vlog na mapapanood sa kanilang YouTube channel.

Credits: Nikka Garcia | IG

Sa pagdating nga ni Baby Pablo sa kanilang pamliya ay mas lalong napuno ng saya ang loob ng kanilang tahanan. Hindi rin maitatanggi na nag-uumapaw nag kacutan ni Baby Pablo dahilan nga para madalas ibida ng kanyang mga magulang ang kanyang cute and adorable photos sa Instagram.

At kamakailan lamang, ay ibinida ni Nika ang napakacute na litrato ni Baby Pablo sa Instagram kung saan masisilayan ang maamo at inosente nitong mukha. Kapansin-pansin rin sa litrato na nakafocus ang mukha ni Baby Pablo at napakagwapo nito. Kahit nga baby pa lamang ito ay makikita na ang magandang facial features nito na hindi naman nakapagtatakang namana sa kanyang mga magulang.

Hindi naman maikakaila ang napakaputing kutis ni Baby Pablo na kung pagmamasdan nga ay tisoy na tisoy. Sa suot namang green stripe onesie na may nakasulat na Mighty Cute na pinaresan ng black bonet na may disenyong Micky Mouse ay mas lalong lumutang ang kaputian at gwapong mukha ni Baby Pablo.

Credits: Nikka Garcia | IG

Bumuhos naman ang mga komento na puno ng papuri at paghanga sa taglay na kakyutan at kagwapuhan ni Baby Pablo. Samantala, si Baby Pablo ay pangalawang anak na lalaki ni Patrick. May nauna ng lalaking anak si Patrick sa kanyang dating girlfriend na si Jennylyn Mercado. At ito’y si Alex Jazz na nagdiwang ng kanyang ika-13th birthday noong nakaraang buwan ng Agosto.

error: Content is protected !!